Tuesday, May 7, 2013

Effective Pimple Treatment


Isa ako sa mga taong hindi pinalagpas ng isang napakatinding sakit, para siyang cancer. Ang tawag sa kanya ay ACNE o PIMPLES.


Ang istorya

Nagsimula akong magkaroon ng pimples nung Grade 6 ako, 2 pimples ang unang lumabas sa may bandang ibaba ng mata ko, simula noon gumagamit na ko ng Ponds facial wash. Walang epekto. Lalo atang nagalit.

1st year higschool ako ng  matauhan na ayaw ng mukha ko sa mga facial wash. Pati na rin sa mga sabon, kahit yung mga mild at organic. Isama na rin ang mga facial cleanser.

Nung 3rd year highschool ako, naaalala ko, ga-pigsa ang tumutubo sa mukha ko, saksi ko mga classmate ko. Pansin ko pabalik balik akong nagkakaroon ng pimples, pabalik balik din na nawawala.

Kunwari isang buwan meron, yung susunod na buwan wala. Ganoon ang cycle ng pimples ko. Pero dumating ang pagkakataon, 2nd year college ako, malapit ng gmraduate (associate graduate ako ng HRM), nagtagal ng 1 at kalahating taon, HINDI NAWAWALA ANG TAGHIYAWAT KO!

Kinabahan at natakot talaga ako noon. Unang una nasa field ako ng Hospitality Industry, sino naman ang tatanggap sakin? Buti na lang di pa ko nag-aaply noon, ng mapagpasyahan kong ituloy sa bachelor degree ang course ko :)

Ang pimples ay hindi isang maliit na usapin, lalo na sa mga teenager, at hindi ito pambabaeng usapin. Kahit lalaki nagkakaroon, buti na lang hindi naman severe ang pimples ko, papunta palang. Buti naagapan ko.

Ibat ibang nagamit na facial products

At dahil natakot ako sa kahihinatnan ng mukha ko, napakarami kong tinry na products na nangangakong EFFECTIVE PIMPLE TREATMENT daw.

Pero lahat, hindi naging epektib sa mukha ko.

TANDAAN: Magkakaiba tayo ng mukha kaya maaaring magkakaiba rin ang epekto ng mga ito.






Ang mga produktong ito eh ginamit ko ng ilang mga beses, dahil hindi ako sumuko. Sabi ko, baka sa 2nd time umepekto na. Pero hindi pa rin.

-Nagresearch ako sa internet, inalam ko kung ano ba ang ACNE, ano bang cause nito, ano bang dapat gawin para maprevent ang pagkakaroon nito, mga tips para mawala ang mga ito, EFFECTIVE TREATMENTS (daw) at marami pang iba. Sinunod ko. Nakatulong din naman pero hindi pa rin nakaalis ng pimples ko.

-Dumaan pa nga sa puntong nagpakonsulta ko sa mga dermatolgist, dalawang beses, sa magkaibang clinic. Binigyan lang ako ng tinitinda nilang set ng pampanuyo daw ng mga pimples na mabibili sa halagang 1k+ yung may sabon, creams, at facial cleanser ata yon. Ginawa na nilang negosyo kesa manggamot ng pasyente. Sinubukan ko. Hindi pa rin umepekto.

-Nagpa FACIAL din ako sa "Lets face it salon" ilang beses din, pero kahit ilang tusok at pagbubungkal ng black at white heads sa mukha ko, hindi rin umubra. Nag offer din sila nung tinitinda nilang per set, ang natatandaan ko kumuha ata ako. Walang kadala-dala. As usual, hindi epektib.

-Gumamit din ako nung per set na binebentang nagkakahalaga ng 1k+ galing sa tita ko, maganda naman ang resulta, nakakapagpaputi rin, kaso nung nag FAFACIAL sessions pako wag ko daw muna ko gagamit ng mga ganun, saka na daw pag wala ng mga black at white heads sa mukha ko. kaya tinigil ko.


Ang kasagutan

Isang araw may sinabi ang kaklase ko na itry ko daw yung pinag-halong Eskinol cleanser na classic at DALACIN-C. Yun daw kasi ginagamit nung kaibigan niya, ang kinis na daw ng mukha nun ngayon. Tinry ko, kaso di umepekto, kasi nga ayaw ng mukha ko sa alcohol based facial cleansers.

3rd year college 2nd semester. Nagsearch ulit ako tungkol sa mga remedies, cures at treatments sa pimples, marami akong nabasa na usapan ng mga pilipino mapa babae at lalaki, epektibo daw sa kanila yun nga, yung Eskinol na hinaluan ng DALACIN-C.

Nagsearch pa ko, napansin ko napakadaming nagrerecommend sa treatment nato.

Lumakas ang loob ko, tinry ko ulit.

Pero this time, sa TUBIG na may DALACIN-C 150mg.

Yung Eskinol na walang laman ang pinaglagyan ko ng tubig para same ng dami sa sinasabi nilang sukat ng sa eskinol.

GUMANA. EFFECTIVE!

3 weeks ang hinintay ko bago nagsimulang umepekto. Oct 2012 ko ginamit, May 2013 na ngayon. Hindi na ko nagkakataghiyawat ng grabe. EFFECTIVE talaga.

Once a day ang paggamit. Bago matulog. Basta maghilamos lang muna bago gamitin.

Medyo ganito pala yung mukha ko noong nagtataghiyawat ako, medyo mas konti lang ng mga 2% at hindi naman ganoong nagka peklat, umabot hanggang baba ng pisngi ko at pati leeg:


Tinry ko gamitin yung GENERIC na DALACIN-C. Parang hindi epektib, parang nagkaroon lang ako ng maliliit na tagyawat pero konti lang naman. Kaya tinigil ko. Bumalik ako sa original DALACIN-C.

3 comments:

  1. Nag sasabon po ba kau pag nag hihilamos?

    ReplyDelete
  2. Bakit naisipan Mong tubig ang ipang halo MO sa dalacin-c????

    ReplyDelete
  3. Nung una effective saken yan, sabon ko kojic tapos eskinol with dalacin-c plus bl cream.. Kinis ng fez ko nun. Nung istop ko mga ilang months lang balik nanaman ang mga acne ko sa fez 😭 tinry ko ulit d na umepekto ung mga ginagamit ko.. Nag try ulit ako sa ibang product like mary K. Subrang mahal na 4k ako. Wala d rin effective. Dkona alam gagawin ko nakakahiya mga pimples ko until now lagi ako nag facamask. Let me try water with dalacin-c this time.

    ReplyDelete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!