Wednesday, November 9, 2016

Cloudfone Excite Prime REVIEW


First time kong gagawa ng review sa isang cellphone unit, kaya ang mga mababasa nyo ay base sa aking karanasan sa paggamit.

ISTORYA

Myphone user ako, bago ko bumili ng phone eh talagang nagreresearch ako, local brands lang pinipili ko kasi yun lang ang budget ko. Ayoko kasi gumastos ng mahal sa phone lalo na ngayon, ang bilis ng paglalabas ng panibagong units ng mga company. Bibili ka ngayon tas after ilang months lang may lalabas na namang mga bago, mas maganda specs, at baka mas mura pa. Kaya parang nakakapanghinayang. Hindi sya tulad ng nokia days na pwede mong patagalin ng taon, na hindi mo iisipin na bumili ng bago dahil lang mas maganda.

Ang isa pa, may mga karanasan na rin kasi ako na nadukutan sa bag, laslas bag, saka nalaglag sa tricycle. Kaya hinayang na hinayang ako kung sakaling mangyari na naman yun at kung 5k pataas yung phone. Sa ugali kong pagiging matipid, sabi pa nga nila e kuripot, paranoid to the max nako nun :p

Sa mga local brands ang trusted talaga pagdating sa durability ay myphone. Pero ngayon gusto ko magtry ng ibang brand. Nakabili na naman ako ng Cloudpad sa kapatid ko, 1year na sa kanya, careless yon tas walang alam sa pag aalaga ng gadget. Nabagska nya, nabasag screen, tas ginagamit habang china charge. Lagi mo pagsasabihan pero di nakikinig, edi bahala sya. Pero ang point, buhay at gumagana parin sa kanya yon :)

Bago ko magdecide na si CEP na talaga ang bibilhin ko, nagtingin ako online at kinonsider na bibilhan ng unit ay:

Myphone
Cherry Mobile
Firefly
Skk
Starmobile
Cloudfone
Alcatel
Samsung

Gusto ko kasi worth it ang pagbili ko kaya pinagcompare ko mga specs, nagbasa mga comments sa fanpage nila, youtube video reviews at ibat ibang websites.

Ang pinakatinitignan ko sa phone ay yung camera, ram, battery, at durability. Pero mahirap naman malaman ang durability unless natry mo na :) Kaya para hindi na sumakit ulo ko sa daming pagpipilian, si CEP na lang ang sinubukan ko dahil nakita ko na mas maraming positive feedback sa kanya.

Kanya kanya naman ng problema sa unit o sa service center ang mga phone brands. Inisip ko na lang na walang perfect na phone, at karamihan naman sa customers e may reklamo s service centers kahit Samsung pa :p


CEP REVIEW

Specs

Android 5.1 Lollipop
5.5-inch IPS LCD (720×1280 HD), ~267ppi
1.4GHz octa-core processor
2GB RAM
16GB internal storage
microSD support up to 32GB
13-megapixel main camera, with autofocus and LED flash
5-megapixel front camera
Wi-Fi
Dual SIM with dual standby
3G
Bluetooth
GPS
2820mAh battery

Camera
Magandang pang selfie yung camera nya, malinaw. Pakiramdam ko nga mas malinaw pa yung front kesa rear camera nya :D Malinaw din yung likod, ok yung autofocus niya :)

Battery
Natry ko sya 5-6 hrs straight gaming. Umaabot sya moderate use 2 days data at wifi. Yung charging time nya higit 2hrs. Yung charger umiinit, pero yung phone di naman masyado.

Data connectivity
Mabilis siya, mas mabilis sa Myphone my25 at my28. Mas ok pa gamitin kesa smartbro prepaid ko :D

Performance
Mag 1month na siya sakin di kopa naranasan na nag lag sya habang nagga games, data, wifi, message at iba pa. Smooth naman di katulad ng Myphone na mga nagamit ko, yun na ata talaga problema ng myphone ma lag.

Speaker
Malakas sya, kaso pag nasa pinakamataas na volume parang may matinis hindi na buo yung sound. Pero di naman ganun na sabog.

Ang di ko lang gusto sa kanya yung size nya, masyadong malaki para sakin, hirap hawakan ng 1 hand pag nagtetext at ibulsa hehe pero kung gamer ka ok sayo to. At isa pa pala e ang unavailability ng accesories.

Yung durability saka ko masasabi after 1year of use. Iuupdate ko nalang itong article :)

Overall, worth it ang pagbili ko sa kanya. Ito ang masasabi kong pinakamagandang phone versus ibang phone sa mga phone brands na nabanggit sa itaas na between 3k-5k ang price. Kahit kayo pa ang magsearch at magkumpara sa mga specs nila :)

Pag meron kayong mga tanong about sa nabili nyong CEP, meron naman makakatulong sa inyo, search nyo lang sa facebook yung groups ng Cloudfone excite prime.

Meron din naman nagbebenta online ng case at tempered glass ni CEP, nandun sya sa group ng CEP users o kaya sa fanpage na "KLSL accessories". Kung nahihirapan kayo hawakan si CEP pag nagtetext, may nabibili namang "ring grip" sa bangketa, 50 lang ang bili ko sakin :)



Update (6/3/2018):
Sorry sobrang late ko na naupdate ang post. More than a year na sakin, nung bandang 6 months dun na lumabas ang sakit nya na screen burn at screen flickering ata yun. Pero nawawala din naman ng kaunti habang tumatagal ang paggamit. Basta wag lang i turn on and off lagi ang phone, nilalagay sa masikip tulad ng bulsa, at inaantay mag below 20% ang batt saka lang magcharge. Tip: kapag uminit likod nya wag nyo muna gamitin, saka always low brightness.

7 comments:

  1. Replies
    1. As of now, mag 6months na sakin si CEP ok parin wala namang nagbago sa performance, no issues :)

      Delete
  2. ano na update?nabasa ko nagkakaroon DAW siya ng screenburn.?totoo ba?

    ReplyDelete
  3. CEP Phone User here. As an event host, masasabi ko talaga na pwedeng makipag kompetensya sa mga photographer gamit ang phone ko. Even during night events, linaw ng cam nya. I had a lenovo before, but it went haywire and what discouraged me is the unavailability of materials needed to fix the phone so I decided to switch to Cloud. Good thing I picked the right unit.

    ReplyDelete
  4. Yung cep ko more than 6 months na sya sa akin pero okay naman sya may isang issue lang yung tungkol sa charging time nya...dati kasi pag chinarge ko siya higit 2 hrs bago mapuno yung battery pero ngayon mukang bumilis yata ng konti mga less than or exact 2 hrs na sya kung mag cha charge pero yung battery life okay naman satisfied naman ako....matanong ko lang po ganyan din ba yung cep mo??

    ReplyDelete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!