Tuesday, October 8, 2013

Effective weight loss


 Maraming tao ngayon ang hindi malaman ang gagawin sa pagpapapayat. Lahat na ata ng paraan ay sinusubukan para lang pumayat o magbawas ng timbang, pero marami sa atin ay hindi successful dito. Ang tanong ng karamihan, ano ba ang tama at effective na paraan ng pagbabawas ng timbang?


Ang istorya

Nung bata ako, payat talaga ako, nagsimula lang akong tumaba noong Grade 5. Noong highschool hanggang college naman eh paiba iba ako, tataba at papayat. Ang timbang ko noong 1st year highschool ay 60 kilos, at ang pinakamatinding timbang ko ay 80 kilos noong 2nd year college (2011), noong mga panahon kasi na yon napadalas ang pagkain ko sa mga fast foods.

Kailan lang naman ako pumayat uli, sa ngayon, Oct 2013 ang timbang ko ay 67 kilos. Imagine mula 2011 hanggang ngayon 2013, within 2 years nakapagbawas ako ng timbang na 13 kilos!

Tanong, anong ginawa ko?

Gym? Hindi.
Crash diet? hindi rin.
2 times a day na pagkain? hindi.
Gulay at prutas lang kinakain? Hindi rin.
Nagpaka stress? Lalong hindi.
Nagpa lypo o nagpa surgery? Hindi. wala kong pera para dun^^
Uminom ng mga gamot na pampapayat? Hindi.

Eh ano pala?

Mamaya sasabihin ko sa inyo^^


Mga paraang ginawa para makabawas ng timbang pero hindi naman naging effective:

1. Puro gulay, prutas at isda lang ang kinakain pero may kasamang konting kanin.

2. Dalawang beses na pagkain sa isang araw (lunch at dinner), pero puno ang pinggan.

3. Ibat ibang klaseng exercise na hindi naman regular ginagawa.

4. Pagpapapawis.

5. Pagsunod sa diet meal plans na napapanood sa tv.

6. Hindi kumakain ng nakakatabang pagkain tulad ng mga matataba, matatamis at iba pa.

Hindi effective yung 1 o 2 beses ka lang kakain sa isang araw, pati yung diet meal plan kuno, o kaya mag switch ka sa pagiging vegetarian. Hindi ito effective kung hindi mo ito ma mamaintain, yun kasi ang pinaka importante kung gusto mong gawin ang mga yon. Eh yun pa naman ang kahinaan ng mga nagpapapayat, laging nasa tabi tabi lang kasi ang tukso na mga pagkain at ang isa pa ay ang KATAMARAN. uyyy naka relate^^


Ang kasagutan

Ang pinaka effective na weight loss: Alisin ang gana sa pagkain.

Hindi ito joke. Yan ang natutunan ko sa marami pang kalokohang ginawa ko para lang pumayat. Aksidente ko lang din yan natutunan. Isang araw kasi, naglalaptop ako, hindi ako nakakain ng tanghalian, alas kwatro na pala ng hapon dun lang ako kumain, sakto pa hindi ko type yung ulam namin kasi isda na naman^^ kaya konti lang nakain ko. Nung gabi na wala pa rin akong gana kumain kaya konti pa rin ang nakain ko.

Hanggang sa kinabukasan, ganun pa rin, naisip ko eh ituloy tuloy ko na baka sakaling makapagbawas ako ng timbang. At ayun na nag tuloy tuloy na, pero 3 times a day ako kumakain.

At ngayon, kahit kumain ako ng marami ay okay lang basta hindi araw araw na marami ang kinakain, ang timbang ko pag marami akong nakakain ay nasa 66-68 kilo, pero kusa naman itong bumababa at nagiging 65-66 kilo na lang.

Nag eexercise din ako sa bahay kahit paano: push up, weight lift at iba pa.

Importante na regular ang ating pagdumi, araw araw dapat nailalabas natin ang ating kinakain. Importante din na 3x a day tayo kumain para maging normal ang ating bowel movement. Ang isa pa kasing susi sa effective weight loss ay ang regular bowel movement.

Alam nyo, ang isa pang natutunan ko, hindi pala minamadali ang pagpapapayat. TAON ang binibilang, hindi ito magic na kunwari mag gigym ka tapos tenen payat na may muscle pa. O kaya naman konti lang kakainin mo, tapos mag eexpect ka agad ng resulta pagkaraan ng 1 linggo. Meron nga akong ginawang parang notebook, yung timbang ko at sukat ng katawan ko ay mino monitor ko monthly, from 2011 hanggang 2014 yon. Sa tulong non, nalalaman ko kung dapat pa bang kontian ko pa ang pagkain, o dagdagan pa ang effort sa pag eexercise.


1. Alisin ang gana sa pagkain

2.  Regular exercise

3. Regular bowel movement

4. PATIENCE.

5. Notebook (para mamonitor buwan buwan ang iyong timbang)



7 comments:

  1. try ko nga ☺️.. kasi ganyan din ako eh. 55kg lang nman ako but i feel mataba na so gusto ko mabawasan kahit 4-5kilos lang 😂 so ang bibilhin ko na lang na food sa canteen is yung hindi ko trip 😂😂

    ReplyDelete
  2. Ma try ngang mawalan ng gana sa pagkain😅

    ReplyDelete
  3. I am really surprised by the quality of your constant posts.
    Hi. Sir.. You really are a genius, I feel blessed to be a regular reader of such a blog Thanks so much.. -অনলাইন ইনকাম💕💋 fonts copy paste
    muchWhat is love?

    ReplyDelete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!