Tuesday, June 16, 2015

Bakla o tomboy ka ba?


Usapang personalidad. Usapang pagkatao.

SINO KA BA? AT ANO KA BA TALAGA?

LALAKI? BABAE? BAKLA? TOMBOY? O BISEXUAL?

Yung pinili mo sa itaas, yun ba ay dahil yun ang TAWAG ng ibang tao sayo? gusto mong maging? o YUNG TOTOONG IKAW?

Ikaw lang ang makakasagot niyan. Wala ng iba.

#Magpakatotookalang


Paano malalaman kung ANO KA TALAGA

Ang seksualidad ng isang TAO ay mahirap ma-define. totoo yan. Hindi yan kayang ma-define ng kahit sino, kahit ng genius, o kahit ng dictionary pa. IKAW lang ang makakaalam kung sino at ano ka talaga.

Marami diyan dumadaan sa kung tawagin ay "identity crisis" yung stage sa buhay mo kung saan nalilito ka, hindi ka makapag decide kung straight ka ba talaga o isa pa lang homosexual.

Hindi isang ka abnormalan kung dadaan ka man sa stage na ito, at hindi ito madali. Desisyon mo rin kung lalagyan mo ng "LABEL" ang sarili mo, may choice namang huwag na lang. Bastat kung ano ka, yun na lang ang pinapakita mo sa iba.

Kung confused ka, napakaimportanteng KILALANIN MO ANG SARILI mo.

Isa ka bang BAKLA kung:

1. Nagkakaroon ka ng GAY FANTASY o GAY DREAM
2. Mahinhin kumilos at magsalita
3. Hindi mahilig sa sports
4. Walang kabarkadang kapwa lalaki
5. Nagwa-gwapuhan ka sa kapwa lalaki

Isa ka bang TOMBOY kung:

1. Nagkakaroon ka ng LESBIAN FANTASY o LESBIAN DREAM
2. Boyish manamit at kumilos
3.  Hindi mahilig mag ayos ng sarili, hindi nahilig sa laruang pambabae tulad ng manika etc
4. May girl-crush
5. Puro lalaki ang kabarkada

ALAM NIYO ANG SAGOT?

Sagot ng isang closeminded na tao --> OO
Totoong sagot--> HINDI

  
PAANONG HINDI???

Bigyan natin ng rason ang bawat isa.

Isa ka bang BAKLA kung:

1. Nagkakaroon ka ng GAY FANTASY o GAY DREAM
(Hindi porke nanaginip ka na nakikipagsex ka sa kapwa mo lalaki ibig sabihin ay bakla ka na. Wala tayong kontrol sa ating napapanaginipan.)

2. Mahinhin kumilos at magsalita
(Hindi lahat ng ipinanganak na lalaki ay MACHO kung kumilos, ika nga. At hindi lahat ng lalaki ay ipinanganak na LALAKING LALAKI ang boses Bawat tao, unique na ginawa ng Diyos, hindi porke mahinhin ka kumilos at magsalita ay bakla na agad. )

3. Hindi mahilig sa sports at sa ibang bagay na "panlalaki"
(Hindi lahat ng lalaki ipinanganak na MAHILIG SA SPORTS, at hindi lahat gusto ang ibang bagay na panlalaki. Lahat ng ito ay nag uugat kung ano ang kinalakihan niya)

4. Walang kabarkadang kapwa lalaki
(Hindi porke wala kang kabarkadang lalaki, bakla ka na. Kaibigang lalaki, meron panigurado. Kung nagkataon man na puro babae ang kabarkada mo, maaaring nasanay ka na sila ang kasama mo at kabisado mo na ang ugali ng babae kaya mas palagay ang loob mo sa kanila)

5. Nagwa-gwapuhan ka sa kapwa lalaki
(Iba ang nagwa-gwapuhan sa NAGKAKAGUSTO sa kapwa lalaki. Ang map-apreciate sa kagandahan ng isang bagay, lugar, pangyayari at ng TAO mapa babae man o lalaki ay isang napaka normal na bagay.)


Isa ka bang TOMBOY kung:

1. Nagkakaroon ka ng LESBIAN FANTASY o LESBIAN DREAM
(Tulad ng sinabi ko sa itaas, hindi porke nanaginip ka na nakikipagsex ka sa kapwa mo ibig sabihin ay tomboy ka na. Muli, wala tayong kontrol sa ating napapanaginipan.)

2. Boyish manamit at kumilos
(Hindi lahat ng ipinanganak na babae ay MAHINHIN kung kumilos, girly ba. Meron diyan nung bata boyish manamit, pero sa pagtanda nag improve naman. Meron din naman ganun pa rin manamit. Pero walang ibig sabihin yun, hindi yun ang makakapagsabi kung tomboy ka o hindi)

3.  Hindi mahilig mag ayos ng sarili, hindi nahilig sa laruang pambabae tulad ng manika etc
(Hindi lahat ng babae ipinanganak na MAHILIG MAG AYOS NG SARILI at NAHILIG SA MGA BAGAY NA PAMBABAE, wala itong koneksyon sa ating sekswalidad. Kundi sa kung anong NAKAHILIHAN o nakasanayan lamang)

4. May girl-crush
(Hindi porke may girl crush, tomboy na. Napaka normal nga sa mga babae ngayon ang sasabihan ka na: alam mo crush ko si Anne Curtis, o kaya si Marian Rivera, ang ganda kasi niya eh! Sa kababaihan normal eto, pero pag lalaki ang nagsabi na may crush siya kay Dingdong Dantes o kay Enchong Dee, ibang usapan na yon)

5. Puro lalaki ang kabarkada
(Maaaring nung kabataan niya, mga lalaki na ang madalas niyang kasama, kaya palagay na ang loob niya sa kanila. Walang koneksyon ang mga kaibigan mo sa sekswalidad mo)


Eh paano ba malalaman kung ako ay BAKLA o TOMBOY pala talaga?

Ang ibig sabihin ng homosexuality sa wikipedia ay

"is romantic attraction, sexual attraction or sexual behavior between members of the same sex or gender."

Pag ikaw ay NAGKAKAGUSTO sa kapwa lalaki o kapwa babae mo LAMANG, muli LAMANG, ikaw ay matatawag na isang HOMOSEXUAL. PERIOD. PERIOD. PERIOD ULI.

Kaya kung ikaw ay isang lalaki, mahinhin kumilos at magsalita pero nagkakagusto ka sa BABAE LAMANG, hindi ka bakla non. At kung ikaw ay isang babae, boyish manamit at kumilos, meron pang crush na isang babae, pero nagkakagusto LAMANG sa LALAKI, hindi ibig sabihin TOMBOY ka non.

Paano naman kung nagkakagusto ka sa babae, pati sa lalaki?

Ang tawag naman doon ay bisexuality, ayon sa wikipedia



"Bisexuality is romantic attraction, sexual attraction or sexual behavior toward both males and females,"


Kaya kung ikaw ay nagkakagusto sa parehong kasarian, isa kang BISEXUAL.



Ngayon, tatanungin uli kita, ANO KA BA TALAGA?

Hindi mo kailangan pilitin na MAGDESISYON kung ano ka talaga: lalaki, babae, bakla, tomboy o bisexual. Nasa sayo iyon. Pero napakaimportante na KILALA mo ang sarili mo, at napakaimportante rin na TANGGAP MO ANG SARILI MO.

Huwag kang makinig sa kung anong sinasabi ng iba tungkol sayo, walang ibang nakakakilala sayo kundi IKAW MISMO. Huwag ka ring magpadikta sa sinasabi ng LIPUNAN, na kung totoo kang LALAKI, dapat ganito ka, dapat ganito ginagawa mo, kung tunay kang BABAE dapat ganito ka, dapat ganito ginagawa mo.

MAGING PROUD KA SA SARILI MO. YUN ANG MAHALAGA.

Kung hindi ka tanggap ng pamilya mo, mga kaibigan mo at mga taong nakapaligid sayo, WALA SILANG MAGAGAWA, dahil YAN KA NA TALAGA.

At para naman sa mga MAPANGHUSGANG TAO, tandaan nyo, hindi lahat ng nakikita nyo ay yun ang ibig sabihin.

Hindi porke malaki katawan, may abs, sporty, astig, eh LALAKI TALAGA. Pero kung tatanungin mo kung ano gusto, KAPWA RIN PALA NIYA. Hindi porke kahawig ni Marian Rivera, sexy at mahinhin, BABAE TALAGA. Pero kung tatanungin mo, may GIRLFRIEND PALA.

Hindi lahat, NAKUKUHA SA TINGIN, YAN ANG TOTOO! :p

38 comments:

  1. Pero ang ibang lesbian ang damit nila ay pambabae marunong magayos mahinhin kumilos at girl na girl kung gumalaw ang hirap mahulaan kung ano sila lesbian ba o girl

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung paano natin malalaman kung ano ba talaga ang kasarian nila, simple lang. Tanungin natin kung kanino sila naatract, sa babae, lalaki o both? :)

      Ganyan po ang iba, meron naman lalaki kumilos, magsalita, manamit, laman ng gym pero ang gusto kapwa lalaki din. Kaya wala po yun sa kung paano sila magsalita, kumilos o manamit. Kundi kung ano ba ang nasa puso nila :)

      Salmat po sa inyong komento :)

      Delete
  2. Hello po :) I just want to know for my bestfriend he still confused kung no ba siya kaya na confused na din ako para sakan niya hahahah

    Ang situation niya po kasi nagkakagusto siya sa babae lang duon lang siya nakakaramdam ng pagmamahal sa lalaki naman mas na bibighani siya makipagsex kaya guguluhan siya kung ano ba siya diko na din lam kung bi ba siya o bakla o straight guy parin siya ewan sabi ko nga po kung no naman pwede gawin sa lalaki kapag nakipag sex ka pwede mo din naman gawin sa babae e makakabuo kapa hahaha and kaya siguro naging ganon siya kasi exposed na siya sa mga babae na nakikita niya ang mga kalooban nito o katawan kaya ganon siguro ano po ba siya sa tingin mo po?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka po isa syang BI CURIOUS.

      Ayon po sa miriam dictionary:
      "characterized by an openness to or curiosity about having sexual relations with a person whose sex differs from that of one's usual sexual partners : curious about exploring or experimenting with"

      Tulad po ng sinabi ko, masyado pong malawak ang usaping sekswalidad. Ngunit napakaimportante na malaman at matuklasan natin ang ating pagkatao, dahil ito ang bubuo sa atin :)

      Delete
  3. ask kulng po kase po ako alam kopo na bata palang ako alam kuna sa sariliko na gay ako pero nagayon tuwing nakakakita po ako ng mga lalake parang gusto ko rin pong maging lalake tapos kung nakakakita naman po ako ng bababe parang gusto ko din pong mag pakababae yung bang mahaba ang buhok ganun ...ano po bang maganda baklang bihis lalake o yung maging transwoman na?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nielniel,

      Ang masasabi ko lang, personal choice mo yan.
      Magpakanatural ka lang, kung anong gusto mo at tingin mong ikasisiya mo yun ang gawin mo. Ngunit siguraduhin mo lang na anuman ang mapili mong desisyon, ay kaya mong panindigan hanggang sa huli, anuman ang daang tatahakin mo...

      Kung sasangguniin naman ang bibliya, kung ikokonsidera mo ito, pinakamainam na magpakalalaki ka na nga lang kung isinilang kang lalaki. Yun lamang...

      Delete
    2. Naguguluhan Po ako Pano Po Pag Nagkakagusto ka sa tomboy at lalake bisexual Po ba un ? Matatawag na Po bang bisexual un ??

      Delete
  4. Advice nman po sir, sabi ko dating nung bata pa ako gusto ko mag asawa magkaron ng mga anak. Pero nung lumaki na ako nag iba na.. Pano nagkaka crush na ko sa babae.. Pero girly nman ako manamit nag mamake up din ako.. Hnd ko malaman kung ano ba tlga ako, may nanliligaw nman sa akin kaso ayaw ko nman sa mga boys, ang hirap po magpakatotoo sa sarili d ko na po alam ang gagawin. Pano po ba to?
    Magkaka asawa pa kaya ako into I'm turning 24 na kc..haha tnx po in advance..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Andrea nicolas,

      Isa yan sa mga bagay na pinagdududahan ng mga babae sa kanilang sarili, na baka sila ay tomboy dahil nagkaka crush sila sa babae.

      Tulad na rin sa nabanggit ko sa artikulo, sa pagkakaaalam ko normal lang sa babae yung may girl crush. Kahit sino atang babae tanungin mo, meron at merong crush ding babae. Pero sa lalaki, hindi natin maaply yan.

      Bata kapang maituturing, kaya maganda na ngayon palang ay malaman mo na o makilala mo na ang sarili mo. At kung anuman ang magiging desisyon mo ay siguraduhin lamang na paninindigan natin ito.

      Subukan mo makipagrelasyon sa lalaki, para malaman mo din kung ano ang nararamdaman mo para sa kanila. Baka kasi takot kalang sumubok na magmahal kaya ayaw mo? Iba kasi pag nagkakagusto ka lang sa kapwa mo babae, iba din yung nagkakagusto sa kapwa babae at lalaki... Salamat.

      Delete
    2. Paano po pag nagkaboyfriend ka ng lalaki tas sa tomboy ka lang nagkakagusto? Hindu sa straight girls or bisexual kundi lesbian

      Delete
  5. I'm Sonja McDonell, 22, Swiss Airlines Stewardess with 13 oversea towns, very tender with lots of fantasies, also in my wonderful job. In Switzerland, a Tomboy is a girl with a penis = transsexual. But they don't do it with girls & this is my problem.
    Regards
    Sonja (sonjamcdonell@yahoo.com)

    ReplyDelete
  6. Salamat ng marami kahit hindi na ako mag ask ng info parang nasagot narin ang aking mga katanungan sa isip ko dahil sa mga nababasa ko.. # related hahaha

    ReplyDelete
  7. hi po, ask ko lang kasi naguguluhan po ako kung who I am now. i have fall once in a girl. then si girl i dont know kung nafall na din sa akin kasi siya ang unang umiwas. Actually parang first serious love ko siya. mayroon ako mga crush na mga guys dati. I attracted also to a guys. I am boyish sa pananamit nagmake up paminsan minsan. But now i Know i love her. consider po ba ako Bisexual or lesbian? being bisexual po ba is also a lesbian salamat po.

    ReplyDelete
  8. Hello po. Ako po ay ganap na babae nagka bf napo ako pero Yong ka clan KO po dati niloloko sa tx na isa akong tomboy nililigawan KO po sya as tx pero niloloko KO lang po sya nun . tas naglipat po kme ng bording haws nag desisyon Yong pamangkin KO na isama sa bording haws Yong ka clan KO para mkamura DW kme sa bhay. Tas katabi KO po sya palage matulog nde KO po mpigil sa sarili KO na halikan sya at yakapin tuwing Gabi Gabi may nangyayari po samin Hindi KO po alam bkit ngagawa KO un samantalang mahilig nman po ako mag make up at nagka bf nrin ako . Hindi po nagtagal naakit po ako sa katawan nya sexy po kasi sya pero nde sya mganda . pag nkikita KO po sya nanggigil ako sa Matawan nya prang gusto KO po may nangyayari samin . nagulat nalang po ako isang araw naramdman KO namahal KO na sya inamin KO po sa knya naging kme nman po agad hanggang ngaun po . ngaun po kasi uala nkung interes sa mga lalaki pero Hindi KO po mgwang magpagupit ng panglalaki gusto KO prin mag makeup . ganap na tomboy po ba ako ? Naguguluhan po kasi ako

    ReplyDelete
  9. Sir advice naman please.. nag break kami ng gf ko. Then ilang days lng umamin sya na may katext syang babae na dati na nyang kilala. Sabi pa nya mas masaya na daw sya dun kase crush nya kasi nagagandahan daw sya at masarap kausap. Straight girl naman ex ko. Nagsimula lng syang magkacrush sa kapwa nya babae nung mas napalapit sya sa mga kapwa nya babae kase dati kami lagi magkasama. Sabi pa nya naiinlove na daw po sya eh friends lng naman sila nung girl. Ano po kaya dahilan nun? yung babae po kasi na yun eh sya yung nagcocomfort nung naghiwalay kami. Tomboy na po ba sya nun?

    ReplyDelete
  10. boss sakin babae naman gusto ko pero pag inaasar ako na bading napipikon ako. bading b pag ganun. kaya tuloy pinapansin ko na lahat ng galaw ko tas dagdag mo pa ung di na ko gaanong makalabas o magawa ung datng habit ko kse pakiramdam ko bading o silais tingin nila saken. basta mga ganun sana pasagot boss salamat wala ako ibang mapagsabihan ng ganto

    ReplyDelete
  11. Paano kung matuklasan mo na tomboy o bakla ang iyong syota? Ano ang iyong reaksyon?

    ReplyDelete
  12. Edi ibig sabihin BI ako... ��

    ReplyDelete
  13. Hi tanong ko lang po sana, may karelasyon po akong lesbian , 6months na po kme. At simula po nung nging kme hindi na po ako nagka crush ng lalaki pero nagka crush po ako ng lesbian .. Nung high school po ako , nagkaroon po ako ng lalaki At lesbian na crush ..nagulohan na ako kung ano ba tlga ako..slamat sa sagot.

    ReplyDelete
  14. so bi ako..

    pero mas attracted ako sa kapwa ko lalo n kapag nagiging close ko dpende sa naging samahan nmin. hgit sa lahat ung may care sa akin..

    ReplyDelete
  15. Bisexual Po ba ako Ask Kolang Po Nagkakagusto Po ako sa Tomboy at Lalake matatawag nabang Bisexual Po Yon ?

    ReplyDelete
  16. Nakita po ng nanay ko ung cp ko and She said na ano ka ba talaga...wala akong maisagot sa kanya at wala akong masabi...d ako nag oopen sa kanya kasi natatakot ako na ijudge nya ko sa kasarian ko....Enden sabi nya sakin itigil ko na daw to at wala namang pupuntahan to but naisip ko na ito na ko eh Bisexual babaguhin ko pa ba dahil alng d ako tanggap ng magulang ko?gusto ko umamin kaso takot ako na baka palayasin nya ko sa bahay....

    ReplyDelete
    Replies
    1. same feeling right now and it so painful to me.

      Delete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. im inlove with my bestfriend i really hate this feelings.we are not getting any younger para maramdaman ito.i hate it i hate myself i dont know what to do next time.napamahal na ako sa kanya. we have children lagi kaming bigo sa lalaki kaya ba ganito ang nararamdaman at pinapakita namin sa isat isa?mahal ko sya pero di ko kayang ipagtapat na bi ako.i know ganun din sya kasi she always kiss me gusto nya lagi akong malasing siguro gusto nyang malaman mismo sa akin once na lasing na ako.help me!!!!please help!!!

      Delete
    2. tanong kan po pano malalaman kung ang tomboy nahuhulog n ang loob po. at bakit din pag medyo may tama n ng alak nang aagaw na po ng cp.

      Delete
  18. magkano po pa drugtest at xray lang po? pls asap

    ReplyDelete
  19. magkano po pa dru gtest at xray lang po? pls asap

    ReplyDelete
  20. Anong tawag sa lalaki na naaatract sa tomboy o bi na babae?

    ReplyDelete
  21. anong tawag sa lalaking nagkakagusto sa tomboy o bisexual na babae?

    ReplyDelete
  22. Hi po litong lito napo ako kong ano po ako please need ko po help nyo kasi nagkakagusto po ako ng kapwa kong babae tapos nagkakagusto rin po ako ng lalaki pero mas comportable po ako sa babae para napo akong naka m.u na babae tas marami napo akong na ex na lalaki nalilito napo ako kong ano ba talaga ako hanggang ngayon diko pa po alam kong ano ba talaga akooo kasi nagkakagusto po ako ng babae at pati din po sa lalaki sobrang naguguluhan na po talaga akoo pleasee help me pooo

    ReplyDelete
    Replies
    1. 15 years old lang po ako marami napo akong naka m.u na kapwa kong babae pero mas marami po akong ex nalilito ako kasi comfortable ako sa babae at madali akong ma fall e mas seryuso panga ako sa babae kesa sa lalaki eh bisexual po ba ako?

      Delete
  23. Hello po, nalilito po ako sa sarili ko. Lesbian na rin ba ako kasi sa tomboy ko nararamdaman ang sexual satisfaction na hindi ko nararamdaman sa lalake. Pero hindi naman ako nagkakagusto sa kapwa ko straight na babae.

    ReplyDelete
  24. Hirap po ng sitwasyon hindi ko naman to pinilit pero nag ka gusto po ako sa lalaki at babae��nalilito po natakot po ako sabihin sa taong gusto ko baka anu isipin nya baka tawanan lng nya ako lalo na close na close ko sya

    ReplyDelete
  25. Ahmm ako Naman po dati nung elementary ako nagkakagusto Naman po ako sa lalaki mga grade 2 hanggang grade 5 tapos Kung kailan pa po ako naghighschool syaka po ako nagkagusto sa tomboy or mga bisexual grade 7 po ako non may kalugar pa po kami na nagustuhan ko at panaginip ko na nga po sure ako na inlab na inlab talaga ko at hanggang ngayon po na grade 10 sa mga ganon po ako attractive at gusto na nga po jumowa Ng ganon ngayon bi sexual po ba ko o tomboy? Btw bababeng babae po ako kumilos at nagmamake up pa at maporma sa damit.

    ReplyDelete
  26. Hanggang ngayon po Hindi ko pa po alam Ang magandang gabi nga po pala advance thank you na po

    ReplyDelete
  27. Hello po just new here!
    Ask ko lang po kasi naguguluhan ako alam ko babae ako straight kasi meron na akong mga bf in my past at now I have a live in partner with 2kids,,pero napapansin ko sa sarili ko hindi na ako na attract sa mga boys sometimes magkaka crush sa mga gwapo but mostly im very attractive sa mga lesbian at kapwa babae ko na yun bang astig ang dating dun ako na aamaze pa help naman po ano po ba ako talaga??

    ReplyDelete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!