Saturday, June 2, 2018

How to open a UITF account in BDO



Sa mga gustong mag invest sa UITF ng BDO, i-share ko sa inyo kung paano.
Btw, im a first timer. Nung March 2018 ako nakapag open nung sakin :)

Take note of these before investing or opening UITF account:

1. Dapat meron kang emergency fund, huwag mo ilagay lahat ng extrang pera mo sa investment, para kung sakaling may emergency o may kailngang bilhin o gastusin, meron kang magagamit. Hindi mo kasi basta basta magagamit/mare-redeem yung sa ininvest mo. Paano kung downtrend, ok lang ba kung malugi ka?

2.  Knowledge. Ito ang pinakaimportante sa lahat, di naman kailangang pag aralan mo lahat saka ka lang mag invest, but at least yung basic alam natin, tulad ko, nagtanong tanong muna dun sa mga may doubts ako. Kailangan kase bago sumabak, mabura muna yung mga pag aalinlangan at mga tanong sa isip. You can attend seminars/magjoin sa FB group na UITF para makapg basa basa at makapg tanong.

3. Always keep in mind, BUY LOW SELL HIGH or (Para sa matatagal na investors, BUY HIGH SELL HIGHER). Para sa akin, kahit sa pag start mo pa lang, timing ang kailangan. Kasi kung nakapagbukas ka ng mataas, then biglang nagdowntrend, puro loss mangyari sayo. In the end, mapag iisipan mo mag cutloss (magredeem, at saka nalang uli ipasok kung mababa na/ pa uptrend na).

4. Also this, keep in mind that investing in UITF is best for long term. Opo, tipong 1-3 years and up. Mas matagal mas ok, kase ang pagtaas ng chart inaabot talaga ng taon. Kung makikita nyo history ng PSEI, habang tumatagal tumataas siya, kaso... Inaabot ng ito ng ilang taon o dekada.

Kung sakaling for short term naman, eto yung kailangan mo bantayan yung chart madalas, kase pag hindi baka malugi ka lang dahil kailangan mo ding i redeem agad.

5. Mag research kung saan magandang banko magbukas ng UITF, at mag research kung anong specific product ang pag investan natin, bawat banko iba iba inoofer nila. Kaya puntahan natin yung website nila, magbasa basa and then decide. Kung ikaw man ay short term o long term investor, kumuha ka ng type ng UITF na bagay sayo at kung ano ang iyong risk apetite.

6. Be informed, ang UITF investment ay hindi insured ng PDIC at ng BDO, kaya invest at your own risk. Pero keep in mind, ayon na rin sa nalaman ko, gaano man ang lumabas na loss sa account mo still it is paper loss. Hanggat di mo sya nireredeem hindi sya real/actual loss. Saka malabo daw na magkaroon ng 100% loss kasi pag ganun daw baka magsara na o palitan yung fund manager XD

Xiaomi redmi S2 review



Ang istorya


Medyo matagal nako naghahanap ng ipapalit sa dati kong phone (Cloudfone excite prime), nung bandang Oct 2017 pa sana. Naudlot nga lang kasi nainis nako, sa daming nglabasang unit sumakit na ulo ko magagandang specs, ibat iba ang date ng release kaya nag aantay din ako ng mga reviews. Dahil ang budget ko ngayon para sa phone ay 10-12k, gusto ko lang magtry hanggat maaari international brand naman.

Choices:
cloudfone
huawei
xiaomi

Dahil naging maganda experience ko sa cloudfone, (cep - camera + battery vs. yung price nya the best!) dun ako tumingin talaga. Cep2pro at Infinity Pro. Kaso tumatakbo sa isip ko yung unavailability ng accessories nila, yung support saka nagkproblema sila last year sa distribution/release ng phone kaya natagalan pa ang iba.

Next naging target ko ay Huawei Gr52017 at Honor7x. Natuwa ako nung nabalitaan kong may lalabas na bagong honor si huawei kaya nag antay ako hanggang March 2018, kaso wala. So no choice ako, pero since puro positive reviews ang nababasa ko sa Gr52017 kaya finally nagdecide nakong iyon ang bilhin ko.

Last choice ko Xiaomi, nabalitaan kon tog may lalabas silang bago, yung Redmi S2 sakto sa date kung kelan ako bibili sa Megamall. Sa totoo lang madami nako nababasa dati pa na positive reviews sa xiaomi phones, pero dati natatakot pako bumili since wala pa sila official store at service center sa Pinas, pero atlis ngayon meron na (service center on the way pa lang daw XD).

Eto na, nung araw ng pagbili ko ng phone, naghanap ako ng Gr52017, tas yun konti na lng nagbebenta pero ang price 12k, wala na yung dating nakita ko sa memoexpress na 9k. Kaya nag isip talaga ko kung bibilin ko ba o hindi, kasi luma na sya kung tutuusin, at kung may balak mang lumabas pa yung honor7x (gr52018) eh halos magkaprice sila parang di ata ok sakin kung ganun.

So ayun nag isip ako mabuti, nagtanong tanong pa ko, naghanap, hanggang sa naisip ko try ko na lang si Xiaomi. May 26, 2018 nga pala ako nakabili.