Monday, October 27, 2014

Civil Service exam subprofessional


Kahit walang koneksyon ang pagkuha ng civil service exam sa course ko na HRM, tinry ko pa rin, kung saka sakali lang na hindi ko magustuhan ang mga trabaho kaugnay sa field ko, eh di may choice ako pumasok sa gobyerno :)

Kapag subprofessional daw, para sa highschool graduate to vocational courses. Ang mga mapapasukan mo eh yung lower positions. Kapag professional naman ang kinuha, na para daw sa college graduate, eh higher position ang pwede mong mapasukan kung naipasa mo ang exam. At syempre, pwede kang ma-promote, kumpara sa subprofessional lang.

Ako naman, gusto ko muna itry ang subprofessional, baka kasi mahirap, atleast kung makapasok ako sa gobyerno pagtapos ko itong maipasa, eh di magtatake na lang ako ng professional. Kesa naman mag take ako ng professional tapos bumagsak, eh di nga nga mag eexam na naman di ka pa makakapasok kahit lower positions lang.

Twice o thrice a year lang sila mag pa-exam sa civil service.

Ang reviewer

Marami namang available na reviewer na mabibili sa national bookstore, pwede namang self study lang hindi na kailangan pang magpatutorial, o mag enroll sa learning centers, pero syempre kung gusto talagang makapasa hindi naman masama...

Dalawa ang binili namin ng kapatid ko, pareho kasi kaming kukuha ng exam at magkalayo kami ng lugar, nagtatarabaho kasi siya. Kaya hindi kami makakahiram sa isat isa kaya tig isa na lang kami.

Yung isa "MSA Civil Service reviewer" yung kulay white na may red at black, P225.00. Yung isa naman kulay yellow, ang nakalay ay "Career civil service. Subprofessional and professional reviewer" P275.00. Mas okay para sakin yung kulay yellow kasi may mga instructions na nakalagay, kung ano yung mga requirements, meron pang libreng form, tas nakalagay na yung rereviewhin para sa mga batas na nasa exam.

Kung interesado ka magtake ng exam, i-google mo lang kung kelan ang period for filing the application at ang date of examination. May bayad ang application, P500.00 bayad namin.

I-search mo rin kung saan ang pinakamalapit na testing centers kung san ka pwede mag-file.

Kami, nagfile kami sa Banawe, Quezon City.


Paano makapunta?

Sa Cubao overpass merong sakayan, yung sa crossing sa may Sogo hotel banda dun.Tanong tanong nyo lang kung san dun yung sakayan ng jeep nakalagay naman BANAWE. May nakita rin akong sakayan sa Quiapo na papuntang BANAWE.

Basta pagbaba nyo lalakad lang kayo mga dalawang kanto, tanong tanong lang din tas andun na. Saglit lang din ang pag-file, di naman mahaba ang pila.

Mga requirements lang naman:
1. 1 Valid I.D (original at photocopy)
2. 4 copies passport size pic na napakaraming kaartehan. (Mas maganda dun na lang din kayo magpapic meron namang mga nag aalok don, kasi kami nasayang lang nung nagpalitrato kami bago pumunta dun, di namin nagamit kasi di nasunod ng photographer yung maraming kung ano ano na hinahanap sa picture.)
3. P500.00
4. Application form (Huwag ka na mag alala, meron naman dun mismo sa office nila, libre lang naman)


Examination day

Teka, bago nga pala ang araw ng exam dapat alam mo na yung SCHOOL ASSIGNMENT mo, parang kapag bumoboto lang, may nakaassign na school kung saan ka boboto, ganun din sa civil service. Makikita mo yun 1 week on or before exam day, pwedeng sa website nila o kaya sa google search mo lang. Samin kasi may nagtext na sa Dr. Alejandro Albert Elementary School (Sa maynila, malapit sa dangwa) daw kami, tas nakalagay na rin kung ano ang room no.

Siguraduhin mong maaga ka, kami kasi 6:30am kaya 6:00am pa lang andun na kami. Standard sila, may proseso talaga. Bago ang exam ginawa muna ang maraming proseso, tas 8:00am opisyal na nagsimula ang exam.

165 items pag subprofessional, 2hrs and 40 mins.
175 items naman pag professional, 3hrs+ ata sa kanila.

Lahat ng gamit mo isusurender sa examiner, kaya bago magsimula ang exam dapat yung test booklet, yung test na pagsusulatan nyo, lapis at ballpen lang ang nasa desk nyo.

Pag time na, hindi na pwede mag extend.


Ano ang dapat i-expect sa exam?

Maraming english at math. Konti lang yung tungkol sa mga law, pati yung filipino. Aaminin ko hindi ako nakapagreview masyado kasi nag aaral ako, kasagsagan pa ng paggawa ng feasibility study namin kaya wala talagang time makapagreview. Sa totoo lang yung math parang pang elementary-highschool, kung natatandaan mo yun pasado kana, ako mahina ako sa math. Yung english mahirap din. Pero para sakin mas mahirap yung exam sa PUP entrance exam :)


Yung iba pang info na gusto nyong malaman kunwari dress code sa pagfile ng application at sa examination day, yung mga pwedeng dalin at mga di dapat gawin sa exam day at kung ano ano pa, nasesearch naman sa google yun :)


2 comments:

  1. I agree with your post! Di naman talaga natin mag enroll sa review center kung magttake tayo ng CSE. Books like MSA Reviewer at focus lang at tiyaga ang kailangan para pumasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. James abram,

      Totoo po :)

      Dati nung balak ko magtake nun iniisip ko na magtake ng klase sa learning centers, nakapag inquire na nga ko dito sa cubao. Pero dahil walang time at budget, dun na lang ako sa libro na talaga namang makakatulong sayo kasi halos ganun na ganun din naman yung lalabas sa exam :)

      Delete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!