Isa ako sa mga taong hindi pinalagpas ng isang napakatinding sakit, para siyang cancer. Ang tawag sa kanya ay ACNE o PIMPLES.
Ang istorya
Nagsimula akong magkaroon ng pimples nung Grade 6 ako, 2 pimples ang unang lumabas sa may bandang ibaba ng mata ko, simula noon gumagamit na ko ng Ponds facial wash. Walang epekto. Lalo atang nagalit.
1st year higschool ako ng matauhan na ayaw ng mukha ko sa mga facial wash. Pati na rin sa mga sabon, kahit yung mga mild at organic. Isama na rin ang mga facial cleanser.
Nung 3rd year highschool ako, naaalala ko, ga-pigsa ang tumutubo sa mukha ko, saksi ko mga classmate ko. Pansin ko pabalik balik akong nagkakaroon ng pimples, pabalik balik din na nawawala.
Kunwari isang buwan meron, yung susunod na buwan wala. Ganoon ang cycle ng pimples ko. Pero dumating ang pagkakataon, 2nd year college ako, malapit ng gmraduate (associate graduate ako ng HRM), nagtagal ng 1 at kalahating taon, HINDI NAWAWALA ANG TAGHIYAWAT KO!
Kinabahan at natakot talaga ako noon. Unang una nasa field ako ng Hospitality Industry, sino naman ang tatanggap sakin? Buti na lang di pa ko nag-aaply noon, ng mapagpasyahan kong ituloy sa bachelor degree ang course ko :)
Ang pimples ay hindi isang maliit na usapin, lalo na sa mga teenager, at hindi ito pambabaeng usapin. Kahit lalaki nagkakaroon, buti na lang hindi naman severe ang pimples ko, papunta palang. Buti naagapan ko.