Sunday, December 7, 2014

Housekeeping NCII


Kumuha ako ng Housekeeping NCII noong May 2012, dahil HRS pa ako noon kaya required samin ito. 

Masasabi ko, na sa 4 na NCII exams na kailangan namin kunin (F & B Services NCII, Bartending NCII, at Commercial Cooking NCII) ito ang pinakamadali :)

Baka naman sabihin nyo ang yabang ko, hindi naman, lahat naman may kahirapan, pero kumbaga eto yung madali dali sa lahat kahit papaano...


Anong ineexam?

May oral exam, written exam at hands on.

Huwag kayo mag alala, bago naman ang exam meron dapat kayong review sa inyong teacher. Samin kasi ang nagreview samin ay instructor sa school din namin. 1 day yun. Tapos inanounce nalang samin ang araw ng exam. Sa written exam, na-review na naman kami kaya madali lang yun. Meron dala silang test booklet at don ka mismo magsasagot. May time limit. 

Click mo tong link, makakatulong ito sayo :)

Sa oral exam naman ireview review mo lang yung notes at mga tinuro, depende kasi yun sa ASSESSOR (Yung magpapa-exam sa inyo na galing TESDA) minsan sinusunod nila yung tanong din na nasa test booklet, minsan naman meron silang sariling tanong. Kaya sa mga NCII exam paswertihan talaga yan ng ASSESSOR, merong mabait, merong istrikto.

Sa hands on naman, nagbed making ako, nagplantsa, naglinis ng CR at gumamit ng floor polisher.

Sa ibang batch sa mga sumunod na year pinaglaba sila, meron pa ko nakita pinaglinis ng bintana gamit ang window squeezer at chemical. Kaya dipende rin talaga sa ASSESSOR kung ano ang ipapagawa.

BASTA HUWAG KANG KABAHAN. MAIPAPASA MO YAN!

Sa totoo lang bihira lang ang bumabagsak dito, kapag talagang walang alam, as in mali mali talaga yung mga ginagawa kala mo di nakapagreview. 

Ang tanong, may bayad ba ang exam?


Meron. Ang pagkakatanda ko P400+ ata yung binayaran ko non sa school namin.

Yung sinuot namin white polo shirt saka black slacks.

5 comments:

  1. Hi. I have a question lang po. Sana po ma'noticed nyo ako. Bale about assessment po ang itatanong ko. I need your immediate response. Thanks!

    ReplyDelete
  2. Tnx bro sa tip, nakatulong nman para sa pag enroll ko sa tesda tnx ulit bro...

    ReplyDelete
  3. Ano po ba ang mga possible questions sa oral exam?

    ReplyDelete
  4. Hi help naman po, kumuha na ako ng ncII dito sa batangas nung nag aaral pa ko. Pero di ko tanda yung date kung kelan yun, di ko rin makuha ang certificate sa tesda dito sa batangas. Sabi kasi nila wala daw nalabas sa results na pangalan ko. Magtanong sana ako sa comments section sa tesda pero kelangan pa mag log in. Hindi naman ako makapag log in. At ang layo ng tesda center dito samin kaya di aki makapunta at makapagtanong kung pwede ko pa kaya makuha yung certificate ko. Help naman po. Thank you.

    ReplyDelete
  5. Hi po yong housekeeping po ba pwedi yong hindi nakapag tapos ng high school gusto ko sana subukan mag tesda gusto ko sana housekeeping

    ReplyDelete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!