Tuesday, March 3, 2015

Police Clearance in Antipolo City



Matindi ang experience ko sa pagkuha ng police clearance sa Antipolo, unang una anlayo ng bahay namin sa City hall, mga 1 and a half hours ang biyahe. At matindi rin ang pila kala mo kumukuha ka ng NBI clearance at ang isa pa, nagulat ako dahil tumaas ng higit 100% ang presyo nito. Nung 2011 kasi P100 lang, ngayong 2015 naman P250 na ang “for local employment”

NOTE: Kumuha nga pala ko ng Police clearance nung January 2015

Price: 
For local Employment: P250
For abroad: P270
For business permit: P650
For Firearms license: P650

Requirements:
Photocopy of Barangay clearance
Photocopy of Cedula
Photocopy of Court Clearance


Paano kumuha?

Kung meron ka ng barangay clearance at cedula, ang next mong gagawin ay ang pagbabayad ng court clearance. Sa Cityhall na ang bayaran ng court clearance at hindi na sa Hall of justice. 

Pag nakabayad na ay dumiretso sa Hall of justice,  magfill up ng form (humingi sa security guard) at ibigay sa window kasama ang resibo ng court clearance. Antayin matawag at pag nakuha na ang court clearance ay saka dumiretso sa police station (walking distance). Doon ay muling mag fill up ng form.

Note: Huwag na kayo mag alala kung di pa kayo nakapagpa photocopy ng requirements dahil meron mismo sa loob ng police station at yung nagxexerox mismo ang nagfifile sa window ng pagprocess ng police clearance.

Antayin matawag para sa bayaran ng clearance.

Pag nakabayad na ay mag antay uli para sa pagkuha ng iyong picture, at finger print.

Pagkatapos ay mag antay uli para sa release ng certificate at ID.

(Opo, bukod sa certificate ay may ibibigay pang police clearance ID, kaya rin siguro nagmahal na ang bayad)



TIP #1: Kung 1 day process lang ang gusto nyo, dapat 8am andun na kayo sa Cityhall para makapagbayad ng court clearance at saka dumiretso agad sa Hall of justice, then sa police station. Andami talaga kasi ng tao, 3 lang yung nagpoprocess sa police station tas yung tao less than 100.


TIP #2: Kung malayo kayo banda don sa Cityhall tulad ko at di alam ang mga pupuntahan, sumakay lang ng jeep na “Antipolo Simbahan” ibababa kayo ng jeep sa terminal ng tricycle. Sumakay ng tricycle papuntang Cityhall. Tricycle din ang sasakyan papuntang hall of justice at walking distance naman ang pagpunta sa police station. Pag pauwi ay tricycle pa din ang sasakyan sabihin lang dun sa terminal ng jeep na pa-cubao. 

13 comments:

  1. Salamat po kahit papaano nagkaraoon po ako ng idea kung anong dapat gawin para sa pag kuha ko po!

    ReplyDelete
  2. San po ba ang City Hall at Hall of Justice sa Antipolo???

    ReplyDelete
  3. thanks very much,big help talaga...

    ReplyDelete
  4. tnx naman .. sa post nato kaso i need yung present value ng police clearance kase ang bali.balita 350-450 daw ngaun ang presyu ,, kakaloka

    ReplyDelete
  5. tnx naman .. sa post nato kaso i need yung present value ng police clearance kase ang bali.balita 350-450 daw ngaun ang presyu ,, kakaloka

    ReplyDelete
  6. This is a very kind gesture to guide other first timers. Thank you.

    ReplyDelete
  7. pwd po ba kumuha ng police clearance kht pa 18 y/o pa lang

    ReplyDelete
  8. may requirement po b pg kuha ng court clearance? how much po fee sa court clearance? thnx po

    ReplyDelete
  9. tanong ko lang po ano itsura ng court clearance ?

    ReplyDelete
  10. Until.now ganun pa din po ba process. Kukuha po kc aq bukas for local employment

    ReplyDelete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!