Sunday, June 7, 2015
Health Certificate in Pasig City
Kumuha ako ng Health certificate (Health card) sa Pasig City noong May 2015, nilipat kasi ako ng branch (sa work) kaya eto, kumuha na naman ako :D
Ang tanging masasabi ko lang ay: WOW!
Bakit?
Sobrang bilis at sobrang komportable kumuha ng health certificate (at kahit ano pa atang papeles ang pakay mo sa Pasig City Hall). Mababait pa ang mga staff, pagpasok ko palang sa City Hall eh halos lahat nakangiti, nagbibiruan pa, natuwa talaga ako sa pagbisita ko doon. At habang naghihintay ako sa pila, nanonood ako sa TV screen nila, andami na palang achievements ng PASIG, saludo po ako sa syudad ng Pasig! :)
Saan kukuha?
Kung hindi ka taga PASIG, sumakay lang po ng jeep na "PASIG PALENGKE" at sabihin sa driver pakibaba ka sa City Hall. Merong mga jeep na ganoon sa tabi ng SHANGRILA MALL sa Mandaluyong, sa MARIKINA BAYAN, PALENGKE, at dito sa LIGAYA (malapit sa LRT SANTOLAN).
Paano ba kumuha?
Pumunta sa City Hall, 5th floor. Yun po ang floor para sa health department nila. Kaya hindi kana maliligaw at lahat ng proseso ay andun na.
STEP 1: VALIDATION
Mga kailangan:
1. Urinalysis
2. XRAY
3. Fecalysis
4. Drug test
5. Health certificate fee
6. Orientation fee
7. Validation fee
Package: P370
Ang maganda po sa kanila, kung meron na kayong MEDICAL sa ibang ospital o clinics, tinatanggap po nila yon. Kaya ipe-present nyo yun sa window for VALIDATION. At kung may kulang ka sila na bahala mag note kung ano pa kailangan mong tests.
TIP: Pinaka the best po kung sa IBA nalang po kayo magpa-medical, lalo na yung DRUG TEST dahil matagal po yung proseso nila sa drug test. Nasabi ko na mas maganda sa iba nalang, para pag punta nyo doon eh okay na lahat, magbabayad na lang kayo, aatend ng seminar, magfifill up, pic, sign etc (for the I.D) at makukuha nyo na agad ang health card nyo.
STEP 2: PAYMENT
Pag nasabi na sayo kung ano pa ang kailangan mong tests, pwede na magbayad sa CASHIER nila. Kunwari naman sa 7 babayaran mo, yung iba meron kana, meron naman silang separate billing para doon.
STEP 3
1. Magpa test na kayo, magpasa ng urine and stool o kung ano pa man. Magkakalapit lang naman yun kaya wag mag alala :) Tanungin din kung anung oras makukuha ang resulta sa bawat tests nyo.
2. Kung meron na kayong mga kinakailangang resulta ay pumunta sa isang ROOM doon kung saan pipirma yung doktor para tignan kung ok ba yung mga test results o kung ano pa man. Pero bago kayo pumunta doon eh ipa-photocopy nyo muna lahat ng result nyo, tig iisa lang naman, kasi required nila.
3. Pumunta sa isang ROOM doon kung saan magfill up ng info na ilalagay sa inyong ID, tapos magpapaicture, tapos signature, tapos aantayin nyo na lang yung oras ng seminar nyo.
4. Umatend ng seminar (manood ng video tungkol sa EL NINO, LA NINA at paghuhugas ng kamay, magsasayaw pa kayo hahaha)
Doon na mismo sa seminar ibibigay yung HEALTH CARD nyo pagkatapos na pagkatapos nyo manood at SUMAYAW (haha)
Tapos, tapos na uwi na :)
Ganun lang po kadali at kabilis kumuha ng health certificate sa Pasig City Hall. Ang mura pa kung tutuusin. Komportable pa kasi naka aircon kayo doon, di kayo pagpapawisan. Kahit anong oras ata kayo pumila doon kahit tanghali na eh wala gaanong pila (pwera sa drug test). Pero syempre kung gusto nyo maaga makuha ang resulta at ang inyong health card, 8:00am palang eh pumunta na kayo doon sa City hall :)
TIP: Kung nagmamadali kayo at gusto nyo na agad makuha HEALTH CARD NYO, may nag aalok doon ng pag magdonate ka ng dugo, (within 15 mins) ay hindi nyo na kailangan umatend ng seminar at agad agad nila irerelease ang HEALTH CARD nyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hi ..tungkol sa seminar po, within the day po ba ischedule ka nila for seminar? How about mayor's permit madali rin ba kumuha sa pasig? Thanks
ReplyDeleteMgkano po mayors permit at ano requirements po
Deletesa lahat ng ito po 1. Urinalysis
ReplyDelete2. XRAY
3. Fecalysis
4. Drug test
5. Health certificate fee
6. Orientation fee
7. Validation fee
370 lng po babayaran tama po ba?
Mag kanu po mag pa drug test sa pasig
DeleteHi gud afternun po ask ko lang po paano kung may medical kna po kukuha ka na lang ng health card magknu po 370 pa dn po ba tnx..
Deletehello po pwede po ba magtanong what time po nagsasarado yung office para sa pagkuha ng health card?
ReplyDeleteMagkano po kaya sanitary permit ? Kc bayad na ko sa health card
ReplyDeletepwede po mgtanong kailangan p po b id pg kukuha ng health card or khit po sa drug test?
ReplyDeleteHi hangang ngyon po ba ganyan parin po ang rate ng pagkuha ng health certificate..
ReplyDeletePwede bang kumuha ng health card ang buntis? Eh wala naman kase kameng Xray. Pasagot po. Ty,
ReplyDeleteRequirements po para sa mga buntis?
DeleteMonday to friday lang po ba kuhaan ng health card ??
ReplyDeleteTanong ko lang po, kukuha po kasi ako bukas ng drug test, health cert. Police clearance at mayors permit, ang tanong ko po, magkano po kaya lahat ang magagastos ko po dun? Salamat po, sana po masagot nyo po agad, kelangan ko lang po para bukas, maraming salmat po.
ReplyDeleteHnd inaknoledge un medical nmin sa iba pngurine stool at drudtest pdn kmi
ReplyDeletemay CBC epo ba sa city hall?
ReplyDeletepaano kung wala kang dalang urine and stool
ReplyDeleteHi! Meron na akong medicL result so pupunta na lang ako sa pasig munisipyo para sa health card for work. Nasa mag kano na lang ang babayaran ko para sa i.d? Salamat
ReplyDeletetanong ko lang po, meron po kasi ako health card QC, at ngayon kukuha ako ng health card pero sa pasig na, noong february ko lng po kinuha ung health sa QC, mavvalid po ba ung health card ko na galing QC?
ReplyDeleteTanong ko lang po okay lang po ba na may medical result ng dala pag kukuha na ng health certificate? Sa ibang clinic? Thankyouu!
ReplyDeletemangkano ang medical sa pasig
ReplyDeleteIlang months po dapat ang inaaccept nilang medical. Certificate .I mean dpat po ba wag lalampas ng 6months un MD CERTIFICATE
ReplyDeleteTanong ko lng po pwede oo ba ung xerox lng ng medical ung dala or ung original needs sa city hall
ReplyDeleteGood eve po sana my sumagot kano po pagkuha ng health certificate my mga labaratory na po akon
ReplyDeleteHi, ask ko lang po kung eto parin yung requirements sa pasig city hall. Kasi kukuha ako ng health card. Then if ever po ba na meron na akong medical pwede po ba na iyon nalang gamitin ko?
ReplyDeleteHi. Magtanongpo sana. Ganito pa din po kaya ang proseso nito until now? Batang gap po yung niece ko po sa Mcdo. Thank you so much!
ReplyDeleteNed pa Po ba mg requirements pag renewal nlng Ang health certificate.? At kng meron ano Po Ang ned
ReplyDeleteBukas po ba sila ngayon?
ReplyDeleteAsk ko lang if lahat May medical at drugtest na po pero sa iba po nag pa test ok lang po ba yun???
ReplyDeleteHello po pwede po ba kameng mag pa medical kahit sa Taguig lame mag wowork kase po Wala po kameng mahanapan Ng murang medical salamat po
ReplyDeleteHello po pwede po ba kameng mag pa medical kahit sa Taguig lame mag wowork kase po Wala po kameng mahanapan Ng murang medical package salamat sa sasagot
ReplyDeleteHanggang anong oras po office ng pasig?
ReplyDeleteGuys kailangan eh double check niyo Yung pagbayad niyo SA cashier Jan SA city hall
ReplyDeleteKasi Meron na akong drug test pero nagbayad parin ako ang masaklap pa Hindi na pwdeng eh refund Kasi nagamit na daw SA ibang medical
370 pa din po ba ngaun? Sa 370 na po ba bayad na po lahat ng test?
ReplyDeleteAno po balita nung kumuha kayo ng health certificate magkano bayad ganun parin ba nun ang pag process nila ngayon
Delete