Ito ang mga paraan na makakatulong para mawala ang iyong pimples (based on experience^^):
1. Uminom ng maraming baso ng tubig araw-araw.
2. Huwag magpupuyat. Dapat sapat ang tulog araw-araw. Mga 7-8 oras na tulog.
3. Kumain ng gulay at prutas. Iwasan ang mga matataba at mamantikang mga pagkain.
4. Mag hilamos pagka gising at bago matulog. (Kung hindi hiyang ang mukha sa sabon tulad ko, kahit tubig na lang) Punasan ang mukha ng malinis na tuwalya o bimpo.
5. Maging malinis sa pangangatawan (hygiene).
6. Mag relax at hanggat maaari ay huwag ma stress at huwag mag isip ng mga problema.
7. Iwasan ang mga maruming hangin tulad ng nagmumula sa usok sa sasakyan at iba pa.
8. Kung pinagpapawisan ang mukha, hanggat maaari ay tissue ang gamitin. Itapon agad at wag ng gamitin pa ang nagamit na ng 1 beses. Pero pwede rin namang panyo ang gamitin, tulad ko.
9. Tamang exercise at diet. Pag sinabing ehersisyo, yung magpapawis ka talaga. Pag sinabing diet, kumain ng TAMA at SAPAT lamang na pagkain, hindi ibig sabihin non eh huwag kakain o kaya naman ay 1 o 2 beses lang kakain sa 1 araw.
10. Iwasan muna ang paggamit ng pulbos at make up para sa mga babae.
11. Siguraduhing wala kayong bangs^^ Yung dumi kasi ng buhok ay napupunta sa noo.
12 Gumamit ng effective pimple treatment.
Pwede nyo itong dagdagan sa pamamagitan ng paggamit ng facial cleansers, kung hiyang kayo, at pati moisturizer, sa umaga at sa gabi.
SUGGESTION: Kapag may mga pimples ako, pinuputok ko iyon. Pero dapat malinis ang gagamiting panusok (karayom/pin), kelangan din ng malinis na bimpo, at dapat ay hindi tatalsik sa balat nyo sa mukha ang mga fluid na lumabas doon dahil mahahawa lang yung natalsikang parte at magkakatagyawat. Importante din na alam natin yung tagyawat na pwedeng putukin at hindi. At syempre, dapat isang tusok lang ang gawin kada taghiyawat, hindi dapat masugatan ng husto ang mukha at baka magka peklat.
Sabi ng ilan, hindi daw dapat pinuputok o pinapakialaman yung pimples, hayaan daw na kusa itong pumutok. Tinry ko na, pero kalokohan lang. Kapag hinayaan mo kasi ang isang pimple, lalaki ito ng lalaki at puputok din naman, mas malaki pa nga ang nagiging sugat kesa pag ikaw mismo ang tumusok nito.
Kaya ko sinusuggest ang pagputok ng pimples, na kahit yung iba eh hindi sang ayon dito, sa bawat pimple kasi, lalo na yung malalaki, may mga nakaimbak dyan na maruming dugo na may kasamang nana, kailangan kasi yong ilabas. Pag tinusok mo naman iyon, gagaling din naman yon, maghihilom yun ng kusa basta hindi grabe ang pagkakasugat mo dito.
Kaya hindi inaadvice ng mga doktor ang pagputok o pakikialam natin sa pimples dahil MALI KASI ANG GAWA NATIN. Dapat kung gagawin natin ito, siguraduhing malinis lahat at tama ang gagawin. Sa mga naka experience na ng FACIAL (mismong mga dermatologist ang may pakana), ganun po ang ginagawa, tinutusok yung mukha, pinapalabas yung mga black at white heads pati yung taghiyawat.
Suggestion ko pa, once a week dapat nililinis niyo ang mukha nyo, sa pamamagitan ng pag alis sa mga white heads, black heads at pagputok sa taghiyawat. Yang mga white heads at black heads kasi na yan eh galing sa maruruming hangin at yung mga dirt na hindi natin nakikita.
Kapag nga pala mag puputok kayo, siguraduhin nyong ilabas lahat ng nasa loob non. Yung mga kakatubong taghiyawat at yung mga taghiyawat na pag hinipo mo ay masakit, ay hindi advisable na putukin, mag antay pa kayo ng tamang panahon, hindi kasi pwedeng tusok na lang ng tusok...^^
Maraming pimples ko sa mukha tapos ano² lang ang ilagay ko sa mukha din hindi rin mawala...anong gamot sa pimples?
ReplyDelete