Saturday, June 2, 2018

How to open a UITF account in BDO



Sa mga gustong mag invest sa UITF ng BDO, i-share ko sa inyo kung paano.
Btw, im a first timer. Nung March 2018 ako nakapag open nung sakin :)

Take note of these before investing or opening UITF account:

1. Dapat meron kang emergency fund, huwag mo ilagay lahat ng extrang pera mo sa investment, para kung sakaling may emergency o may kailngang bilhin o gastusin, meron kang magagamit. Hindi mo kasi basta basta magagamit/mare-redeem yung sa ininvest mo. Paano kung downtrend, ok lang ba kung malugi ka?

2.  Knowledge. Ito ang pinakaimportante sa lahat, di naman kailangang pag aralan mo lahat saka ka lang mag invest, but at least yung basic alam natin, tulad ko, nagtanong tanong muna dun sa mga may doubts ako. Kailangan kase bago sumabak, mabura muna yung mga pag aalinlangan at mga tanong sa isip. You can attend seminars/magjoin sa FB group na UITF para makapg basa basa at makapg tanong.

3. Always keep in mind, BUY LOW SELL HIGH or (Para sa matatagal na investors, BUY HIGH SELL HIGHER). Para sa akin, kahit sa pag start mo pa lang, timing ang kailangan. Kasi kung nakapagbukas ka ng mataas, then biglang nagdowntrend, puro loss mangyari sayo. In the end, mapag iisipan mo mag cutloss (magredeem, at saka nalang uli ipasok kung mababa na/ pa uptrend na).

4. Also this, keep in mind that investing in UITF is best for long term. Opo, tipong 1-3 years and up. Mas matagal mas ok, kase ang pagtaas ng chart inaabot talaga ng taon. Kung makikita nyo history ng PSEI, habang tumatagal tumataas siya, kaso... Inaabot ng ito ng ilang taon o dekada.

Kung sakaling for short term naman, eto yung kailangan mo bantayan yung chart madalas, kase pag hindi baka malugi ka lang dahil kailangan mo ding i redeem agad.

5. Mag research kung saan magandang banko magbukas ng UITF, at mag research kung anong specific product ang pag investan natin, bawat banko iba iba inoofer nila. Kaya puntahan natin yung website nila, magbasa basa and then decide. Kung ikaw man ay short term o long term investor, kumuha ka ng type ng UITF na bagay sayo at kung ano ang iyong risk apetite.

6. Be informed, ang UITF investment ay hindi insured ng PDIC at ng BDO, kaya invest at your own risk. Pero keep in mind, ayon na rin sa nalaman ko, gaano man ang lumabas na loss sa account mo still it is paper loss. Hanggat di mo sya nireredeem hindi sya real/actual loss. Saka malabo daw na magkaroon ng 100% loss kasi pag ganun daw baka magsara na o palitan yung fund manager XD



How to open UITF account?

Note: Dapat meron kang savings account sa BDO, kung wala kailangan mong magbukas. Ito ang iyong magiging settlement account.

Tandaan: kung sa banko ka mag open UITF, all transaction sa banko din (certificate, subscribe, redeem) at kapag online, online din ang mga transaction.

Note: Mas pinili ko online, dahil hal. ako panggabi sa work, uwi ko 7am eh 9am pa bukas ng banko. Para hindi hassle na pumunta punta pa ng banko, magclick2 na lang ako para anytime pwede ako magredeem o magsubscribe since naka connect naman na sya sa savings account ko.

-Kung online napili mo, need mo magregister for online banking, then bibigyan ka nila ng ATM. Saka ka palang makakapag open ng UITF online.

Note: Kung ikaw ay tulad ko na hanggat maaari passbook lang gusto at ayaw ng ATM,may option na i lock ang card. Ibig sabihin, di mo iyon magagamit either mag withraw o magpurchase online pero pwede pa rin naman magtransact online kaya safe.


Online registration

1. Go to https://www.bdo.com.ph, click online banking then register. Kailangan iprint after registration.
Note: Since nag inquire muna ako sa banko, pasalamat ako mabait yun staff dun nag offer sya i assist nya daw ako sa pagregister online. Ayun sa pc nila yung ginamit XD

2. I activate ang ATM card.
Note: Pagkatapos ko magregister sa tulong ni Ate maganda, ni print nya rin ako tas binigay ang ATM, dun na rin ako nag activate sa ATM machine ng bank.

Opening UITF for regular subscription

Note: 10k ang minimum per regular subscription. May isa naman EIP, 1k every month ibabawas sa account mo at ikaw ang mamili kung tuwing kelan sila magbawas. Pinili ko regular kase atlis may control ako kung kelan ko sya maipapasok, kung kelan mababa ang NAPVU. Sa BDO may minimum 30 days holding period, ibig sabihin pag within 30 days ni redeem mo agad pagka subscribe mo ay may fee na charge.

1.  Go to Account information > My trust Account/Transaction > Transaction >  Regular UITF subscription.

2. Answer assessment.

Note: Nakadepende sa resulta ng assessment yung type ng UITF na pwede mo pag investan. Kung tulad ko gusto mo Equity Index fund kasi mirror sya ng PSEI kaya madaling mamonitor, hanggat maaari i aim mo na mapunta ka as aggressive investor. Di ka naman tatanungin ng personal kung sakali at di ka naman kukwestyunin dun.

3. Open a new account

4. Then, bago ma activate yung UITF account mo, may tatawag sayong taga BDO within 2 banking days para i explain yung sa pag iinvest mo sa UITF. Importante to, kasi kung walang tumawag di maaactivate ang iyong UITF account.

5. Go to transaction, click add to an existing account. Then click mo lang at basahin mga agreements, proceed ka lang ng proceed.

5. Pwede kana magstart mag pasok ng pera. Maglagay ka kung magkano amount, then kung anong specific product ang iavail mo, then proceed. Mababasa mo yung naging transaction to confirm, then proceed lang.

Ok na yun, antayin mo na lang magreflect sa my accounts mo yung iyong UITF.

Eto nakita kong article mas detalyado, makakatulong sayo:
https://www.thinkpesos.com/bdo-uitf/

Happy investing!

No comments:

Post a Comment

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!