Saturday, June 2, 2018

Xiaomi redmi S2 review



Ang istorya


Medyo matagal nako naghahanap ng ipapalit sa dati kong phone (Cloudfone excite prime), nung bandang Oct 2017 pa sana. Naudlot nga lang kasi nainis nako, sa daming nglabasang unit sumakit na ulo ko magagandang specs, ibat iba ang date ng release kaya nag aantay din ako ng mga reviews. Dahil ang budget ko ngayon para sa phone ay 10-12k, gusto ko lang magtry hanggat maaari international brand naman.

Choices:
cloudfone
huawei
xiaomi

Dahil naging maganda experience ko sa cloudfone, (cep - camera + battery vs. yung price nya the best!) dun ako tumingin talaga. Cep2pro at Infinity Pro. Kaso tumatakbo sa isip ko yung unavailability ng accessories nila, yung support saka nagkproblema sila last year sa distribution/release ng phone kaya natagalan pa ang iba.

Next naging target ko ay Huawei Gr52017 at Honor7x. Natuwa ako nung nabalitaan kong may lalabas na bagong honor si huawei kaya nag antay ako hanggang March 2018, kaso wala. So no choice ako, pero since puro positive reviews ang nababasa ko sa Gr52017 kaya finally nagdecide nakong iyon ang bilhin ko.

Last choice ko Xiaomi, nabalitaan kon tog may lalabas silang bago, yung Redmi S2 sakto sa date kung kelan ako bibili sa Megamall. Sa totoo lang madami nako nababasa dati pa na positive reviews sa xiaomi phones, pero dati natatakot pako bumili since wala pa sila official store at service center sa Pinas, pero atlis ngayon meron na (service center on the way pa lang daw XD).

Eto na, nung araw ng pagbili ko ng phone, naghanap ako ng Gr52017, tas yun konti na lng nagbebenta pero ang price 12k, wala na yung dating nakita ko sa memoexpress na 9k. Kaya nag isip talaga ko kung bibilin ko ba o hindi, kasi luma na sya kung tutuusin, at kung may balak mang lumabas pa yung honor7x (gr52018) eh halos magkaprice sila parang di ata ok sakin kung ganun.

So ayun nag isip ako mabuti, nagtanong tanong pa ko, naghanap, hanggang sa naisip ko try ko na lang si Xiaomi. May 26, 2018 nga pala ako nakabili.



Specs

5.99-inch 1440 x 720 HD+ 18:9 aspect ratio full screen with 269PPI contrast ratio 1000:1
32GB/64GB ROM with dedicated memory card slot
3GB/4GB RAM
2.0GHz Snapdragon 625 CPU
Adreno™ 506 GPU
Dual 12MP Sony IMX486 sensor (1.25μm, f/2.2, PDAF) + 5MP Samsung S5K5E8 sensor (gyro, EIS, PDAF) with LED Flash Rear Camera
16MP Samsung S5K3P8 sensor (2.0µm, f/2.0)LED Selfie-light, 4500K temperature Pixel binning, 4 pixels combine into 1 large pixel Beautify 4.0 Front Camera
MIUI 9.5 based on Android Oreo
3, 080 mAh battery 5V/2A
Micro USB, USB 2.0
Dual Nano-SIM card slot
Dimension
 -Height 160.73mm
 -Width 77.26mm
 -Thickness 8.1mm
  -Weight 168g
WLAN
 -802.11 b / g / n, WiFi Display, WiFi Direct
Bluetooth
 -Bluetooth 4.2
GSM
 -B2 / B3 / B5 / B8 WCDMA B1 / B2 / B5 / B8 TDD-LTE B38/ B40 FDD-LTE B1 / B3 / B4 / B5 / B7 / B8 / B20
Others
 -Rear fingerprint sensor Support GPS GPS, GLONASS, Beidou, APGS

Nasa loob ng box: Jelly Case, charger na walang adaptor at sim tray pin lang ang nasa loob kasama ng phone.

Sa totoo lang, camera at battery lang ngayon ang focus ko nung naghahanap ako since di nako masyado ma games.

Camera

Satisfied ako sa camera nya, malinaw ska mabilis ang response. Sa dati kong phone kasi pag nagpic ka medyo lag. Marami ring options/features di tulad nung ibang xiaomi units na natest ko sa store nila tas yung iba pa don hindi dual camera.

Battery

Legit na 3000 mah. Natry ko sya, siguro straight data from 100% to zero 6 hrs. Mild use abot 2 days, moderate use 1 1/2 days at heavy use (depende kung ano ginagawa mo) 5-7hrs siguro. Pag chinarge mo sya 100% tas di mo ginamit ng 1 araw nabawasan batt ko mga 6%.

Pero satisfied ako kase ung sa dati kong phone makunat din batt nun, almost the same naman ang itinatagal (3000 mah din), mas matagal ko nga lang to nagagamit kasi pag dating neto ng 20% hindi sya nagddrain agad. Kaya ko pa sya magamit hanggang 10%, sa dati kong phone kasi matatakot nako, icharge ko na agad may sakit kasi na screen burn yun.

Charging time nya siguro from 0 to 100% more or less 2hrs.

Mobile data

Mabilis! Medyo nanibago nga ko since LTE na ngayon tong gamit ko, pero kahit 3g nga lang gamit ko di hamak mas mabilis pa rin to kesa sa dati kong phone.

Speaker

Maganda sya at malakas. Gusto ko na nandun sa baba yung speaker nya atleast pag tumutunog walang obstacle, compare sa nasa likod sa dati kong phone.


Conclusion
Overall, masasabi kong ok ako sa phone nato. 1 week pa lang sakin kaya di ko pa masasabi talaga. Antay ako 6 months, iupdate ko itong post ko kung same performance pa din.

Smooth nga pla sya gamitin sa Mobile legends ska offline games. Very responsive yung touch screen. Nagkaproblema lang ako sa shareit, di kasi makareceive pero nakakapag send naman. Dami ko ng ginawa, nagsearch pa ko sa youtube pero di pa rin gumana. Kaya ibang app na lang ginamit ko, ayun ok na sya.

Ang mga di ko lang siguro nagustuhan:

Built in batt - Kaso halos ata lahat ng unit na lumalabas ngayon built in na, bihira na lang yung removable batt. Ang inaalala ko lang pano kung mag hang, wala man lng ako choice na pindutin o tanggalin para magrestart sya.

Touch- Naninibago lang siguro ko alam mo yun kahit soft touch ka lang sensitive sya o baka di lang ako sanay?

Yun lang.

P.S nakabili agad ako sa Farmers cubao nung pang 3rd day neto sakin ng full tempered glass kaso ang mahal 600, natawaran ko naman 500 kaso yun nga di ko ineexpect yung price. Gusto ko na rin kasi gamitin, ayoko mag antay pa ng 1month para sa ordinary tg nila. Pero sabi nung isang nakausap kong tindera mahal daw talaga tg ng xiaomi :/

No comments:

Post a Comment

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!