Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa inyo na huwag po kayo bibili ng memory card na tatak CD R king, dahil sirain ito. May iba namang brands ng memory card silang binebenta, yun na lang ang bilhin nyo.
ISTORYA
Nung 2014, first time kong bumili ng android phone, bago iyon eh nokia models pa ang ginagamit kong phones. Medyo hindi pa kasi ako tiwala sa touch screen nun, iniisip ko baka madaling masira. Pero dahil sa mga magkakaklase isa ko dun sa kakaunting hindi pa android phone ang gamit, eh bumili narin ako. At saka kailangan ko na rin kasi dahil nadukutan ako ng phone sa recto, buti na nga lang at nokia lang yun phone ko nun :D
Nagresearch ako kung anong matibay na phone na worth 2k, yun lang budget ko dahil hindi pa naman ako masyado tiwala sa mga touch screen :p Ang binili ko ay Myphone, kasi trusted ang durability nya base sa mga nabasa ko sa mga forum, saka malapit lang yung service center samin kaya atlis kung magkaproblema eh madali lang puntahan.
MEMORY CARD
At syempre kailangan ko bumili ng memory card para makapag install ng games saka storage para sa files ko lalo na mababa lang internal memory ng nabili ko.
Nagtanong ako sa mga kaklase ko, ang sabi ng isa basta wag daw tatak CD R King.
Nung nasa CD R King nako, nagtingin ako ng mga memory card, syempre kinonsider ko rin yung presyo, nakita ko yung isa may tatak CD R king mas mura, at toshiba ata ung isa pa. Nung pumili ako tinanong ko sa nagtitinda ano ba pinagkaiba, sabi nya wala naman same lang daw. Napaisip ako, e s kagustuhang mapamura eh yun nalang pinili ko. Ang di ko alam eh literal ka pala talagang mapapamura dahil sa quality nun.
EXPERIENCE
Nung unang tatlong araw na nasa phone ko sya, isang beses bigla syang namatay, tas nung in-on ko hanggang start up lang sya yung logo lang. Kinabahan ako, kaya the next day dinala ko sa service center yung phone. Nireformat nila. Eh di ok na, mga ilang araw uli nakalipas nagloko na naman sya, naghahang, ayaw magbukas nung camera at marami pang iba. Nagpunta uli ako sa service center, pinalista nya sakin yung mga issues, naka 5-6 ata ko naisulat sabi nga nung babae andami naman. hehe After 1 month pinuntahan ko sa seevice center since di naman ako kinokontak nila, sabi sakin ok na pala matagal ng naayos di lang ako nakontak. Abnormal diba? :D
Pinatest sakin yung phone ko, pinakita sakin sinalpakan daw nila ibang memory card ok naman daw. Tas meron sila kaparehong unit ng sakin dun nila ininsert yung memory card ko na CD R King, abay nag hang. Dun namin narealize yung memory card pala may problema at hindi naman pala sa phone ko.
Sa inis ko, nagstatus ako sa Facebook. Akalain nyo maraming nagcomment ng ganun din daw nangyari sa kanila haha Naalala ko tuloy yung sabi sakin ng kaklase ko, di ako nakinig :P
Kaya sa mga nagbabalak bumili ng memory card, ang advice ko sa inyo, wag lang tatak CD R King :)
No comments:
Post a Comment
Nakatulong ba sayo? Share mo naman!