Monday, March 30, 2015

Postal ID







Pagkapunta ko sa Philpost office dito samin sa Antipolo City (nung March 2015), meron na akong dala na original birth certificate at Police clearance. Bago ang lahat, mag fill-up muna  ng isang PID application form, pagkatapos ay saka ito ipa-zerox ng dalawa pang kopya, isinabay ko na ang pagpapaxerox nung birth certificate ko at police clearance. Wala pa naman akong asawa kaya yun lang ang kinailangan ko dalhin.
 
Tapos ay ipasa dun sa naka assign na staff para sa postal ID, ita-type ang mga detalye ng PID application form sa computer at ichecheck mo nalang kung tama ba ang pagkaka type nya. (Parang pag kumukuha lang ng NBI clearance) Tapos pipicturan ka. Tapos magbabayad. Tapos, tapos na :D

May ibibigay sayong kapirasong papel at resibo katunayan na nagbayad ka. 15 working days ang hihintayin, at idedeliver napo ito mismo sa bahay nyo kaya wag na kayo mag alala.

Natuwa ako dahil nabago na ang sistema sa pagkuha ng POSTAL ID, dati kasi nung nagtanong ako kung ano ano ang hinihingi, puro original pa. Tanong ko, e di pag kukuha ako police clearance, dapat dalawa? Oo daw, pati yung NSO birth certificate. Kaya antagal bago ko naisipang kumuha, nakakainis kasi. Pero ngayon iba na, nagmahal oo, pero maganda naman ang ID saka mas mabilis na proseso.

Saka yung GENERAL REQUIREMENTS nilang yan, pare-parehas yan sa lahat ng branch kasi may memo daw sila yung head office nila may bigay nyan. Di tulad dati bawat branch ata eh iba-iba hinihingi (ayon sa pagtatanong tanong ko)


2 comments:

  1. Thanks. Buti may ganto. :)
    Kmusta ang pila and around what time ka nagpunta ? Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Espie Mo,

      Mga bandang tanghali po ako pumunta, WALANG PILA hahaha

      pag postal ID, alam ko kahit saang branch walang pila pila yan kasi konti lang naman po ang kumukuha, unless nagkataon marami kang nakasabayan :D

      Delete

Nakatulong ba sayo? Share mo naman!