Kumuha ako ng F & B NCII exam noong Nov 2011, required samin noon nung HRS pa ako :)
Masasabi kong eto ang sumunod na madali pagkatapos ng Housekeeping NCII sa apat na NCII exams (kasama na ang Bartending NCII, at Commercial Cooking NCII).
KUNG NAKAYA KO, KAYA MO RIN IPASA ITO! :)
Anong ine-exam?
As usual, merong oral exam, written exam at hands on..
May 1 day review naman kami. Kaya lahat ng lalabas sa exam andun sa reviewer naman. Pero syempre expect the unexpected, nakadepende yan sa magiging ASSESSOR nyo.
Ang written exam may time limit. Ang oral exam nakadipende sa ASSESOR (yung magpapaexam sa inyo na galing TESDA). At syempre yung hands on...
Naalala ko, nakalagay sa mesa yung ibat ibang klase ng plates, spoons at glasses tapos pag itinuro nung assessor dapat alam mo kung ano yun at kung ano gamit nun.
Tapos alam mo dapat yung ibat ibang table set up, yung paraan ng pagseserve, table napkin folding, at yung pagru-room service.
Sa ibang batch pinag-table skirting sila, tapos hindi ko na alam. haha
Click mo to, makakatulong ito sayo :)
Bihira lang din hindi nakakapasa dito, pwera nalang kung talagang sobra sobrang di mo talaga alam ginagawa mo. Basta review lang kaya mo yan.
Sa pagkakatanda ko P400+ yung binayaran ko sa school para sa exam, at yung sinuot namin sa exam ay F & B uniform.
Hindi ba inexplain sa inyo ng assessor ninyo ang xonfidentiality ng assessment procedure at ginawan mo pa ng blog kung ano ang ginawa nyo during your assessment?
ReplyDelete