Nung kumuha ko ng health certificate sa Mandaluyong nung
March 2015, inabot ako ng 10hrs. mula
pagpila hanggang sa pagkuha ng mga resulta . Andami lang din talaga kasi ng mga
kumukuha, pero kung tutuusin ang bilis nila magprocess. Ang nakakainis lang ay ang magugulong pila,
at ang nakakalitong pagpunta kung saan saan (lalo na kung di ka naman taga
Mandaluyong).
Buti na lang at meron akong mga nakasabayan sa pila na mababait
at tinuro sakin kung ano dapat ko munang kuhain, puntahan, at kung san ba
magbabayad…
1 day process lang naman siya, yun nga lang pagtyatyagaan mo
lang talaga.
5:20am ako pumila, 3pm na ako natapos.
TIP: Kung gusto ninyo maaga makauwi, as early as 5:00am
pumunta na po kayo at pumila sa XRAY. Nauubusan sila ng number agad agad, meron
lang silang limit sa pagtanggap sa 1 araw. Meron na kasing mga pumipila 3am pa
lang, pero kung ako sa inyo wag naman ganun. Kahit 5:00am pwede na.
Saan ba kukuha?
Kung hindi pamilyar ang iba kung saan kukuha, doon po sa
Mandaluyong City hall, magkakatabi kasi mga building doon. Bumaba lamang kayo
ng MRT BONI STATION, maglakad hanggang sa may NEW HORIZON HOTEL. Doon po meron
ng mga jeep papuntang City hall, mga 15-20 mins. Lang andun ka na.
Paano ba kumuha?
Meron pong guide doon sa harap mismo ng health building
nila, kaso kung gusto mo matapos agad, mamaya bibigay ko ang tips.
Sa instruction kasi ang sabi ganito:
1. Kumuha ng cedula
2. Magbayad ng para sa health certificate
3. Magpasa ng urine at stool
4. Mag attend ng seminar
5. Pagkakuha ng mga resulta ay dalhin sa health sanitation
window kasama ang cedula at 1x1 picture
6. Pagkatapos ay dalhin iti sa new building sa 3rd
floor.
(Kung may kasamang Mayor’s permit)
7. Pumunta sa new building, 1st floor at mag fill
up ng form.
___________________________________________________________
Kulang kulang ang nakalagay po sa kanilang guide, at kung
susundin yon eh anong oras na kayo matatapos. Kaya eto po ang realidad na
nangyayari sa pagkuha ng health certificate doon:
1. Pumila para sa XRAY. Lagi niyong tatandaan kung sino ang
mga katabi nyo dahil bigla nalang may mga sumisingit at biglang nagkakagulo sa
pila. 8am pa sila nagbibigay ng number, pero kung di pa kayo nakakabayad para
sa health certificate at nakakakuha ng cedula ay ok lang, ang mahalaga eh
makakuha muna kayo ng number sa XRAY.
2. Pagkakuha ng number sa XRAY ay saka dumiretso sa new
building na kulay blue. Doon po magbayad kayo sa window 1-6 para sa:
Urine, stool, x-ray, police clearance (at kung kelangan ng
Mayors permit)
May package po sila P405 para dun sa walang mayors permit.
Yung Mayors permit naman P50 lang.
Meron silang ibibigay na mga resibo, kaya itago nyo po ito
dahilo ito ang ipapakita nyo kapag kayo ay magpapa-test.
NOTE: Kumuha na po kayo ng cedula sa kanila pati police
clearance kahit meron na kayo nito, ang gusto kasi nila sa kanila kukuha. At sa
di maipaliwanag na kadahilanan, REQUIRED po ang police clearance nila sa
pagkuha ng health certificate.
3. Kumuha ng cedula sa 1st floor, P22 ang bayad
ko nun.
4. Magpasa ng urine at stool sa old building. Meron din po
itong number at alamin ang oras ng pagbibigay ng resulta dahil per batch po
ito. Maganda po kung meron na kayong dalang urine at stool (dumi) dahil
matatagalan pa kayo kung dun pa mismo kayo iihi at dudumi.
NOTE: Lagi nyo pong balikan ang sa XRAY kung pang anung
numero na, dahil pag tinawag ang numero nyo at wala pa kayo, aantayin nyo
matapos ang lahat saka lamang kayo makakapag pa XRAY. Tignan din kung anong
oras ang per batch ng pag attend sa SEMINAR. Ngunit bago kayo umatend ng
seminar mas mabuti kung makakapagpa-POLICE CLEARANCE ka muna.
5. Kung malapit ka na matawag para sa XRAY ay antayin nyo na
po, alamin kung anong oras makukuha ang resulta (per batch din po kasi ito).
IMPORTANT: Magdala po kayo ng hinihingi nilang ID, maganda
kung DALAWA na para sigurado. Kelangan po nila ang kahit alin sa mga ito:
Company ID / SSS ID / School ID / Postal ID / TIN ID / Drivers license / NBI
Clearance
Pero kung marami pang oras ay pwede na kayo dumiretso sa
POLICE CLEARANCE. (Walking distance lang naman, kahilera ng old building)
Mag fill up ng form, magbayad, magpapicture, antaying
matawag ang pangalan, at yun meron ka ng police clearance. Nakakatuwa lang eh
sobrang bilis ng proseso nila mga 15mins lang siguro eh nakakuha nako, kumpara
sa POLICE CLEARANCE ng Antipolo, naku, matindi pa sa NBI CLEARANCE, antagal.
6. Pag nakapag pa XRAY na at nakakuha na ng police clearance
ay umatend na po kayo ng seminar, mga 1hr po yun manonood kayo ng video tungkol
sa food handling at paninigarilyo.
7. Pagkatapos ay antayin ang oras ng pagkuha ng mga resulta
para sa XRAY at urine & stool.
8. Ibigay ang mga resulta sa health sanitation window kasama
ang cedula at 1x1 pic
9. Pumunta sa new building, 3rd floor para
magpapirma ng Health card.
10. Pumunta sa 1st floor para magfill up ng 2
kopya ng Mayors permit (kung kailangan nyo nito) at may bayad po na P30 (sa
notaryo ata ang bayad na ito).
SA WAKAS TAPOS NA!
Every Dec 31th of the year po ang expiration ng health
certificate. Same process daw kahit renewal.