Wednesday, November 9, 2016

CDR King memory card

Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa inyo na huwag po kayo bibili ng memory card na tatak CD R king, dahil sirain ito. May iba namang brands ng memory card silang binebenta, yun na lang ang bilhin nyo.

Cloudfone Excite Prime REVIEW


First time kong gagawa ng review sa isang cellphone unit, kaya ang mga mababasa nyo ay base sa aking karanasan sa paggamit.

ISTORYA

Myphone user ako, bago ko bumili ng phone eh talagang nagreresearch ako, local brands lang pinipili ko kasi yun lang ang budget ko. Ayoko kasi gumastos ng mahal sa phone lalo na ngayon, ang bilis ng paglalabas ng panibagong units ng mga company. Bibili ka ngayon tas after ilang months lang may lalabas na namang mga bago, mas maganda specs, at baka mas mura pa. Kaya parang nakakapanghinayang. Hindi sya tulad ng nokia days na pwede mong patagalin ng taon, na hindi mo iisipin na bumili ng bago dahil lang mas maganda.

Ang isa pa, may mga karanasan na rin kasi ako na nadukutan sa bag, laslas bag, saka nalaglag sa tricycle. Kaya hinayang na hinayang ako kung sakaling mangyari na naman yun at kung 5k pataas yung phone. Sa ugali kong pagiging matipid, sabi pa nga nila e kuripot, paranoid to the max nako nun :p

Sa mga local brands ang trusted talaga pagdating sa durability ay myphone. Pero ngayon gusto ko magtry ng ibang brand. Nakabili na naman ako ng Cloudpad sa kapatid ko, 1year na sa kanya, careless yon tas walang alam sa pag aalaga ng gadget. Nabagska nya, nabasag screen, tas ginagamit habang china charge. Lagi mo pagsasabihan pero di nakikinig, edi bahala sya. Pero ang point, buhay at gumagana parin sa kanya yon :)

Bago ko magdecide na si CEP na talaga ang bibilhin ko, nagtingin ako online at kinonsider na bibilhan ng unit ay:

Myphone
Cherry Mobile
Firefly
Skk
Starmobile
Cloudfone
Alcatel
Samsung

Gusto ko kasi worth it ang pagbili ko kaya pinagcompare ko mga specs, nagbasa mga comments sa fanpage nila, youtube video reviews at ibat ibang websites.

Ang pinakatinitignan ko sa phone ay yung camera, ram, battery, at durability. Pero mahirap naman malaman ang durability unless natry mo na :) Kaya para hindi na sumakit ulo ko sa daming pagpipilian, si CEP na lang ang sinubukan ko dahil nakita ko na mas maraming positive feedback sa kanya.

Kanya kanya naman ng problema sa unit o sa service center ang mga phone brands. Inisip ko na lang na walang perfect na phone, at karamihan naman sa customers e may reklamo s service centers kahit Samsung pa :p