Tuesday, October 8, 2013
Tips: Weight Loss
Ito ang mga paraan na makakatulong para ikaw ay pumayat o makapagbawas ng timbang (based on experience^^):
1. Mag exercise regularly.
2. Kumain ng SAPAT lamang na pagkain, ang dapat na maging purpose natin sa pagkain ay dahil kailangan ito ng ating katawan at hindi dahil gusto lang natin.
3. Iwasan ang mga pagkaing nakakataba. Pwede naman kung minsan lang, wag lang madalas.
4. Kumain 3x a day pero konti lang.
6. Gawing regular ang pagdumi, kailangan ay araw araw.
7. Gumawa ng isang notebook kung saan ililista mo monthly ang iyong timbang at sukat ng katawan.
8. Gawin ang Effective weight loss.
Sa tingin ko ang tips kong ito ay effective lamang sa may edad 13-30 years old. Pag tumatanda kasi ang tao ay bumabagal na rin ang bowel movement kaya nag iistay lang sa katawan natin ang ating mga taba, pati ang pag burn ng fats ng ating katawan. Huwag nating hayaan na tumuntong na tayo sa edad 30+ years old ay nasa kalagayan tayong overweight o obese dahil ibat ibang sakit ang magmumula dito.
Pero kung may pera ka naman, at marami kang time sa iyong sarili, pinaka best pa rin ang mag gym. Maintained nga lang dapat ito dahil babalik at babalik din ang ating timbang sa dati kung napabayaan. Kung gusto naman ng agarang solusyon, marami ng paraan para maalis ang taba sa katawan tulad ng lypo at iba pa. Tandaan lang na ang pagpapapayat ay hindi parang magic na nag eexpect agad ng resulat. TAON po ang binibilang dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Nakatulong ba sayo? Share mo naman!