My thoughts
my contribution to the world.
Saturday, June 2, 2018
How to open a UITF account in BDO
Sa mga gustong mag invest sa UITF ng BDO, i-share ko sa inyo kung paano.
Btw, im a first timer. Nung March 2018 ako nakapag open nung sakin :)
Take note of these before investing or opening UITF account:
1. Dapat meron kang emergency fund, huwag mo ilagay lahat ng extrang pera mo sa investment, para kung sakaling may emergency o may kailngang bilhin o gastusin, meron kang magagamit. Hindi mo kasi basta basta magagamit/mare-redeem yung sa ininvest mo. Paano kung downtrend, ok lang ba kung malugi ka?
2. Knowledge. Ito ang pinakaimportante sa lahat, di naman kailangang pag aralan mo lahat saka ka lang mag invest, but at least yung basic alam natin, tulad ko, nagtanong tanong muna dun sa mga may doubts ako. Kailangan kase bago sumabak, mabura muna yung mga pag aalinlangan at mga tanong sa isip. You can attend seminars/magjoin sa FB group na UITF para makapg basa basa at makapg tanong.
3. Always keep in mind, BUY LOW SELL HIGH or (Para sa matatagal na investors, BUY HIGH SELL HIGHER). Para sa akin, kahit sa pag start mo pa lang, timing ang kailangan. Kasi kung nakapagbukas ka ng mataas, then biglang nagdowntrend, puro loss mangyari sayo. In the end, mapag iisipan mo mag cutloss (magredeem, at saka nalang uli ipasok kung mababa na/ pa uptrend na).
4. Also this, keep in mind that investing in UITF is best for long term. Opo, tipong 1-3 years and up. Mas matagal mas ok, kase ang pagtaas ng chart inaabot talaga ng taon. Kung makikita nyo history ng PSEI, habang tumatagal tumataas siya, kaso... Inaabot ng ito ng ilang taon o dekada.
Kung sakaling for short term naman, eto yung kailangan mo bantayan yung chart madalas, kase pag hindi baka malugi ka lang dahil kailangan mo ding i redeem agad.
5. Mag research kung saan magandang banko magbukas ng UITF, at mag research kung anong specific product ang pag investan natin, bawat banko iba iba inoofer nila. Kaya puntahan natin yung website nila, magbasa basa and then decide. Kung ikaw man ay short term o long term investor, kumuha ka ng type ng UITF na bagay sayo at kung ano ang iyong risk apetite.
6. Be informed, ang UITF investment ay hindi insured ng PDIC at ng BDO, kaya invest at your own risk. Pero keep in mind, ayon na rin sa nalaman ko, gaano man ang lumabas na loss sa account mo still it is paper loss. Hanggat di mo sya nireredeem hindi sya real/actual loss. Saka malabo daw na magkaroon ng 100% loss kasi pag ganun daw baka magsara na o palitan yung fund manager XD
Xiaomi redmi S2 review
Ang istorya
Medyo matagal nako naghahanap ng ipapalit sa dati kong phone (Cloudfone excite prime), nung bandang Oct 2017 pa sana. Naudlot nga lang kasi nainis nako, sa daming nglabasang unit sumakit na ulo ko magagandang specs, ibat iba ang date ng release kaya nag aantay din ako ng mga reviews. Dahil ang budget ko ngayon para sa phone ay 10-12k, gusto ko lang magtry hanggat maaari international brand naman.
Choices:
cloudfone
huawei
xiaomi
Dahil naging maganda experience ko sa cloudfone, (cep - camera + battery vs. yung price nya the best!) dun ako tumingin talaga. Cep2pro at Infinity Pro. Kaso tumatakbo sa isip ko yung unavailability ng accessories nila, yung support saka nagkproblema sila last year sa distribution/release ng phone kaya natagalan pa ang iba.
Next naging target ko ay Huawei Gr52017 at Honor7x. Natuwa ako nung nabalitaan kong may lalabas na bagong honor si huawei kaya nag antay ako hanggang March 2018, kaso wala. So no choice ako, pero since puro positive reviews ang nababasa ko sa Gr52017 kaya finally nagdecide nakong iyon ang bilhin ko.
Last choice ko Xiaomi, nabalitaan kon tog may lalabas silang bago, yung Redmi S2 sakto sa date kung kelan ako bibili sa Megamall. Sa totoo lang madami nako nababasa dati pa na positive reviews sa xiaomi phones, pero dati natatakot pako bumili since wala pa sila official store at service center sa Pinas, pero atlis ngayon meron na (service center on the way pa lang daw XD).
Eto na, nung araw ng pagbili ko ng phone, naghanap ako ng Gr52017, tas yun konti na lng nagbebenta pero ang price 12k, wala na yung dating nakita ko sa memoexpress na 9k. Kaya nag isip talaga ko kung bibilin ko ba o hindi, kasi luma na sya kung tutuusin, at kung may balak mang lumabas pa yung honor7x (gr52018) eh halos magkaprice sila parang di ata ok sakin kung ganun.
So ayun nag isip ako mabuti, nagtanong tanong pa ko, naghanap, hanggang sa naisip ko try ko na lang si Xiaomi. May 26, 2018 nga pala ako nakabili.
Wednesday, November 9, 2016
CDR King memory card
Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa inyo na huwag po kayo bibili ng memory card na tatak CD R king, dahil sirain ito. May iba namang brands ng memory card silang binebenta, yun na lang ang bilhin nyo.
Cloudfone Excite Prime REVIEW
First time kong gagawa ng review sa isang cellphone unit, kaya ang mga mababasa nyo ay base sa aking karanasan sa paggamit.
ISTORYA
Myphone user ako, bago ko bumili ng phone eh talagang nagreresearch ako, local brands lang pinipili ko kasi yun lang ang budget ko. Ayoko kasi gumastos ng mahal sa phone lalo na ngayon, ang bilis ng paglalabas ng panibagong units ng mga company. Bibili ka ngayon tas after ilang months lang may lalabas na namang mga bago, mas maganda specs, at baka mas mura pa. Kaya parang nakakapanghinayang. Hindi sya tulad ng nokia days na pwede mong patagalin ng taon, na hindi mo iisipin na bumili ng bago dahil lang mas maganda.
Ang isa pa, may mga karanasan na rin kasi ako na nadukutan sa bag, laslas bag, saka nalaglag sa tricycle. Kaya hinayang na hinayang ako kung sakaling mangyari na naman yun at kung 5k pataas yung phone. Sa ugali kong pagiging matipid, sabi pa nga nila e kuripot, paranoid to the max nako nun :p
Sa mga local brands ang trusted talaga pagdating sa durability ay myphone. Pero ngayon gusto ko magtry ng ibang brand. Nakabili na naman ako ng Cloudpad sa kapatid ko, 1year na sa kanya, careless yon tas walang alam sa pag aalaga ng gadget. Nabagska nya, nabasag screen, tas ginagamit habang china charge. Lagi mo pagsasabihan pero di nakikinig, edi bahala sya. Pero ang point, buhay at gumagana parin sa kanya yon :)
Bago ko magdecide na si CEP na talaga ang bibilhin ko, nagtingin ako online at kinonsider na bibilhan ng unit ay:
Myphone
Cherry Mobile
Firefly
Skk
Starmobile
Cloudfone
Alcatel
Samsung
Gusto ko kasi worth it ang pagbili ko kaya pinagcompare ko mga specs, nagbasa mga comments sa fanpage nila, youtube video reviews at ibat ibang websites.
Ang pinakatinitignan ko sa phone ay yung camera, ram, battery, at durability. Pero mahirap naman malaman ang durability unless natry mo na :) Kaya para hindi na sumakit ulo ko sa daming pagpipilian, si CEP na lang ang sinubukan ko dahil nakita ko na mas maraming positive feedback sa kanya.
Kanya kanya naman ng problema sa unit o sa service center ang mga phone brands. Inisip ko na lang na walang perfect na phone, at karamihan naman sa customers e may reklamo s service centers kahit Samsung pa :p
Tuesday, June 16, 2015
Bakla o tomboy ka ba?
Usapang personalidad. Usapang pagkatao.
SINO KA BA? AT ANO KA BA TALAGA?
LALAKI? BABAE? BAKLA? TOMBOY? O BISEXUAL?
Yung pinili mo sa itaas, yun ba ay dahil yun ang TAWAG ng ibang tao sayo? gusto mong maging? o YUNG TOTOONG IKAW?
Ikaw lang ang makakasagot niyan. Wala ng iba.
#Magpakatotookalang
Sunday, June 7, 2015
Health Certificate in Pasig City
Kumuha ako ng Health certificate (Health card) sa Pasig City noong May 2015, nilipat kasi ako ng branch (sa work) kaya eto, kumuha na naman ako :D
Ang tanging masasabi ko lang ay: WOW!
Bakit?
Sobrang bilis at sobrang komportable kumuha ng health certificate (at kahit ano pa atang papeles ang pakay mo sa Pasig City Hall). Mababait pa ang mga staff, pagpasok ko palang sa City Hall eh halos lahat nakangiti, nagbibiruan pa, natuwa talaga ako sa pagbisita ko doon. At habang naghihintay ako sa pila, nanonood ako sa TV screen nila, andami na palang achievements ng PASIG, saludo po ako sa syudad ng Pasig! :)
Saan kukuha?
Kung hindi ka taga PASIG, sumakay lang po ng jeep na "PASIG PALENGKE" at sabihin sa driver pakibaba ka sa City Hall. Merong mga jeep na ganoon sa tabi ng SHANGRILA MALL sa Mandaluyong, sa MARIKINA BAYAN, PALENGKE, at dito sa LIGAYA (malapit sa LRT SANTOLAN).
Monday, March 30, 2015
Health certificate in Mandaluyong City
Nung kumuha ko ng health certificate sa Mandaluyong nung
March 2015, inabot ako ng 10hrs. mula
pagpila hanggang sa pagkuha ng mga resulta . Andami lang din talaga kasi ng mga
kumukuha, pero kung tutuusin ang bilis nila magprocess. Ang nakakainis lang ay ang magugulong pila,
at ang nakakalitong pagpunta kung saan saan (lalo na kung di ka naman taga
Mandaluyong).
Buti na lang at meron akong mga nakasabayan sa pila na mababait
at tinuro sakin kung ano dapat ko munang kuhain, puntahan, at kung san ba
magbabayad…
1 day process lang naman siya, yun nga lang pagtyatyagaan mo
lang talaga.
5:20am ako pumila, 3pm na ako natapos.
TIP: Kung gusto ninyo maaga makauwi, as early as 5:00am
pumunta na po kayo at pumila sa XRAY. Nauubusan sila ng number agad agad, meron
lang silang limit sa pagtanggap sa 1 araw. Meron na kasing mga pumipila 3am pa
lang, pero kung ako sa inyo wag naman ganun. Kahit 5:00am pwede na.
Saan ba kukuha?
Kung hindi pamilyar ang iba kung saan kukuha, doon po sa
Mandaluyong City hall, magkakatabi kasi mga building doon. Bumaba lamang kayo
ng MRT BONI STATION, maglakad hanggang sa may NEW HORIZON HOTEL. Doon po meron
ng mga jeep papuntang City hall, mga 15-20 mins. Lang andun ka na.
Paano ba kumuha?
Meron pong guide doon sa harap mismo ng health building
nila, kaso kung gusto mo matapos agad, mamaya bibigay ko ang tips.
Sa instruction kasi ang sabi ganito:
1. Kumuha ng cedula
2. Magbayad ng para sa health certificate
3. Magpasa ng urine at stool
4. Mag attend ng seminar
5. Pagkakuha ng mga resulta ay dalhin sa health sanitation
window kasama ang cedula at 1x1 picture
6. Pagkatapos ay dalhin iti sa new building sa 3rd
floor.
(Kung may kasamang Mayor’s permit)
7. Pumunta sa new building, 1st floor at mag fill
up ng form.
___________________________________________________________
Kulang kulang ang nakalagay po sa kanilang guide, at kung
susundin yon eh anong oras na kayo matatapos. Kaya eto po ang realidad na
nangyayari sa pagkuha ng health certificate doon:
1. Pumila para sa XRAY. Lagi niyong tatandaan kung sino ang
mga katabi nyo dahil bigla nalang may mga sumisingit at biglang nagkakagulo sa
pila. 8am pa sila nagbibigay ng number, pero kung di pa kayo nakakabayad para
sa health certificate at nakakakuha ng cedula ay ok lang, ang mahalaga eh
makakuha muna kayo ng number sa XRAY.
2. Pagkakuha ng number sa XRAY ay saka dumiretso sa new
building na kulay blue. Doon po magbayad kayo sa window 1-6 para sa:
Urine, stool, x-ray, police clearance (at kung kelangan ng
Mayors permit)
May package po sila P405 para dun sa walang mayors permit.
Yung Mayors permit naman P50 lang.
Meron silang ibibigay na mga resibo, kaya itago nyo po ito
dahilo ito ang ipapakita nyo kapag kayo ay magpapa-test.
NOTE: Kumuha na po kayo ng cedula sa kanila pati police
clearance kahit meron na kayo nito, ang gusto kasi nila sa kanila kukuha. At sa
di maipaliwanag na kadahilanan, REQUIRED po ang police clearance nila sa
pagkuha ng health certificate.
3. Kumuha ng cedula sa 1st floor, P22 ang bayad
ko nun.
4. Magpasa ng urine at stool sa old building. Meron din po
itong number at alamin ang oras ng pagbibigay ng resulta dahil per batch po
ito. Maganda po kung meron na kayong dalang urine at stool (dumi) dahil
matatagalan pa kayo kung dun pa mismo kayo iihi at dudumi.
NOTE: Lagi nyo pong balikan ang sa XRAY kung pang anung
numero na, dahil pag tinawag ang numero nyo at wala pa kayo, aantayin nyo
matapos ang lahat saka lamang kayo makakapag pa XRAY. Tignan din kung anong
oras ang per batch ng pag attend sa SEMINAR. Ngunit bago kayo umatend ng
seminar mas mabuti kung makakapagpa-POLICE CLEARANCE ka muna.
5. Kung malapit ka na matawag para sa XRAY ay antayin nyo na
po, alamin kung anong oras makukuha ang resulta (per batch din po kasi ito).
IMPORTANT: Magdala po kayo ng hinihingi nilang ID, maganda
kung DALAWA na para sigurado. Kelangan po nila ang kahit alin sa mga ito:
Company ID / SSS ID / School ID / Postal ID / TIN ID / Drivers license / NBI
Clearance
Pero kung marami pang oras ay pwede na kayo dumiretso sa
POLICE CLEARANCE. (Walking distance lang naman, kahilera ng old building)
Mag fill up ng form, magbayad, magpapicture, antaying
matawag ang pangalan, at yun meron ka ng police clearance. Nakakatuwa lang eh
sobrang bilis ng proseso nila mga 15mins lang siguro eh nakakuha nako, kumpara
sa POLICE CLEARANCE ng Antipolo, naku, matindi pa sa NBI CLEARANCE, antagal.
6. Pag nakapag pa XRAY na at nakakuha na ng police clearance
ay umatend na po kayo ng seminar, mga 1hr po yun manonood kayo ng video tungkol
sa food handling at paninigarilyo.
7. Pagkatapos ay antayin ang oras ng pagkuha ng mga resulta
para sa XRAY at urine & stool.
8. Ibigay ang mga resulta sa health sanitation window kasama
ang cedula at 1x1 pic
9. Pumunta sa new building, 3rd floor para
magpapirma ng Health card.
10. Pumunta sa 1st floor para magfill up ng 2
kopya ng Mayors permit (kung kailangan nyo nito) at may bayad po na P30 (sa
notaryo ata ang bayad na ito).
SA WAKAS TAPOS NA!
Every Dec 31th of the year po ang expiration ng health
certificate. Same process daw kahit renewal.
Postal ID
Pagkapunta ko sa Philpost office dito samin sa Antipolo City
(nung March 2015), meron na akong dala na original birth certificate at Police
clearance. Bago ang lahat, mag fill-up muna
ng isang PID application form, pagkatapos ay saka ito ipa-zerox ng
dalawa pang kopya, isinabay ko na ang pagpapaxerox nung birth certificate ko at
police clearance. Wala pa naman akong asawa kaya yun lang ang kinailangan ko
dalhin.
Tapos ay ipasa dun sa naka assign na staff para sa postal ID,
ita-type ang mga detalye ng PID application form sa computer at ichecheck mo
nalang kung tama ba ang pagkaka type nya. (Parang pag kumukuha lang ng NBI
clearance) Tapos pipicturan ka. Tapos magbabayad. Tapos, tapos na :D
May ibibigay sayong kapirasong papel at resibo katunayan na
nagbayad ka. 15 working days ang hihintayin, at idedeliver napo ito mismo sa
bahay nyo kaya wag na kayo mag alala.
Natuwa ako dahil nabago na ang sistema sa pagkuha ng POSTAL
ID, dati kasi nung nagtanong ako kung ano ano ang hinihingi, puro original pa.
Tanong ko, e di pag kukuha ako police clearance, dapat dalawa? Oo daw, pati
yung NSO birth certificate. Kaya antagal bago ko naisipang kumuha, nakakainis
kasi. Pero ngayon iba na, nagmahal oo, pero maganda naman ang ID saka mas
mabilis na proseso.
Saka yung GENERAL REQUIREMENTS nilang yan, pare-parehas yan
sa lahat ng branch kasi may memo daw sila yung head office nila may bigay nyan.
Di tulad dati bawat branch ata eh iba-iba hinihingi (ayon sa pagtatanong tanong ko)
Tuesday, March 3, 2015
Police Clearance in Antipolo City
Matindi ang experience ko sa pagkuha ng police clearance sa
Antipolo, unang una anlayo ng bahay namin sa City hall, mga 1 and a half hours
ang biyahe. At matindi rin ang pila kala mo kumukuha ka ng NBI clearance at ang
isa pa, nagulat ako dahil tumaas ng higit 100% ang presyo nito. Nung 2011 kasi P100 lang, ngayong 2015 naman P250 na ang
“for local employment”
NOTE: Kumuha nga pala ko ng Police clearance nung January 2015
Price:
For local Employment: P250
For abroad: P270
For business permit: P650
For Firearms license: P650
Requirements:
Photocopy of Barangay clearance
Photocopy of Cedula
Photocopy of Court Clearance
Paano kumuha?
Kung meron ka ng barangay clearance at cedula, ang next mong
gagawin ay ang pagbabayad ng court clearance. Sa Cityhall na ang bayaran ng
court clearance at hindi na sa Hall of justice.
Pag nakabayad na ay dumiretso sa Hall of justice, magfill up ng form (humingi sa security guard)
at ibigay sa window kasama ang resibo ng court clearance. Antayin matawag at pag nakuha na ang court clearance ay saka dumiretso sa police station (walking distance). Doon ay muling mag fill up ng
form.
Note: Huwag na kayo mag alala kung di pa kayo nakapagpa
photocopy ng requirements dahil meron mismo sa loob ng police station at yung
nagxexerox mismo ang nagfifile sa window ng pagprocess ng police clearance.
Antayin matawag para sa bayaran ng clearance.
Pag nakabayad na ay mag antay uli para sa pagkuha ng iyong
picture, at finger print.
Pagkatapos ay mag antay uli para sa release ng certificate
at ID.
(Opo, bukod sa certificate ay may ibibigay pang police
clearance ID, kaya rin siguro nagmahal na ang bayad)
TIP #1: Kung 1 day process lang ang gusto nyo, dapat 8am
andun na kayo sa Cityhall para makapagbayad ng court clearance at saka dumiretso
agad sa Hall of justice, then sa police station. Andami talaga kasi ng tao, 3
lang yung nagpoprocess sa police station tas yung tao less than 100.
TIP #2: Kung malayo kayo banda don sa Cityhall tulad ko at di
alam ang mga pupuntahan, sumakay lang ng jeep na “Antipolo Simbahan” ibababa
kayo ng jeep sa terminal ng tricycle. Sumakay ng tricycle papuntang Cityhall.
Tricycle din ang sasakyan papuntang hall of justice at walking distance naman
ang pagpunta sa police station. Pag pauwi ay tricycle pa din ang sasakyan sabihin lang dun
sa terminal ng jeep na pa-cubao.
Claiming Civil Service Certificate of Eligibility
NOTE: Makukuha mo lamang ang certificate sa regional office kung
san ka nagpasa ng application.
Kung nakapasa ka sa Civil Service Exam, alamin mo kung kelan
ang release ng certificate of eligibility, tumawag sa district office kung saan ka nagpasa ng
application.
Mga dapat dalhin:
- 1 Valid ID (Police clearance, BIR ID, etc.)
- Passport size picture with name (yung picture na ginamit mo nung nagpasa
ka ng application)
Mas maganda agahan mo ang pagpunta sa office, pero ok lang
din naman kung late na kasi sobrang bilis lang wala pang 30 mins. ayon sa
experience ko. Sa Banawe, Q.C kasi ako kumuha ng COE, nung February 2015, pero ewan ko lang sa ibang
branch.
Pagpasok mo meron kang ififill-up na request sa pagkuha ng
COE, tapos ay ipapasa mo sa window kung saan nirerelease ang COE. Ibibigay mo
yung finil-upan mo, at yung 1 valid ID, at passport size picture with name.
Mag aantay ka lang na tawagin ka, may papapirmahan sayo
katunayan na natanggap mo na ito at yun na tapus na. Huwag mag alala wala ng bayad yon.
Hehehe
Nakalagay sa certificate yung result ng exam mo, date nung nag exam ka at kung saan ka nag exam :)
Subscribe to:
Posts (Atom)