Tuesday, October 8, 2013
Tips: Weight Loss
Ito ang mga paraan na makakatulong para ikaw ay pumayat o makapagbawas ng timbang (based on experience^^):
1. Mag exercise regularly.
2. Kumain ng SAPAT lamang na pagkain, ang dapat na maging purpose natin sa pagkain ay dahil kailangan ito ng ating katawan at hindi dahil gusto lang natin.
3. Iwasan ang mga pagkaing nakakataba. Pwede naman kung minsan lang, wag lang madalas.
4. Kumain 3x a day pero konti lang.
6. Gawing regular ang pagdumi, kailangan ay araw araw.
7. Gumawa ng isang notebook kung saan ililista mo monthly ang iyong timbang at sukat ng katawan.
8. Gawin ang Effective weight loss.
Effective weight loss
Maraming tao ngayon ang hindi malaman ang gagawin sa pagpapapayat. Lahat na ata ng paraan ay sinusubukan para lang pumayat o magbawas ng timbang, pero marami sa atin ay hindi successful dito. Ang tanong ng karamihan, ano ba ang tama at effective na paraan ng pagbabawas ng timbang?
Ang istorya
Nung bata ako, payat talaga ako, nagsimula lang akong tumaba noong Grade 5. Noong highschool hanggang college naman eh paiba iba ako, tataba at papayat. Ang timbang ko noong 1st year highschool ay 60 kilos, at ang pinakamatinding timbang ko ay 80 kilos noong 2nd year college (2011), noong mga panahon kasi na yon napadalas ang pagkain ko sa mga fast foods.
Kailan lang naman ako pumayat uli, sa ngayon, Oct 2013 ang timbang ko ay 67 kilos. Imagine mula 2011 hanggang ngayon 2013, within 2 years nakapagbawas ako ng timbang na 13 kilos!
Tanong, anong ginawa ko?
Gym? Hindi.
Crash diet? hindi rin.
2 times a day na pagkain? hindi.
Gulay at prutas lang kinakain? Hindi rin.
Nagpaka stress? Lalong hindi.
Nagpa lypo o nagpa surgery? Hindi. wala kong pera para dun^^
Uminom ng mga gamot na pampapayat? Hindi.
Eh ano pala?
Mamaya sasabihin ko sa inyo^^
Tuesday, September 3, 2013
Tips: Curing Pimples
Ito ang mga paraan na makakatulong para mawala ang iyong pimples (based on experience^^):
1. Uminom ng maraming baso ng tubig araw-araw.
2. Huwag magpupuyat. Dapat sapat ang tulog araw-araw. Mga 7-8 oras na tulog.
3. Kumain ng gulay at prutas. Iwasan ang mga matataba at mamantikang mga pagkain.
4. Mag hilamos pagka gising at bago matulog. (Kung hindi hiyang ang mukha sa sabon tulad ko, kahit tubig na lang) Punasan ang mukha ng malinis na tuwalya o bimpo.
5. Maging malinis sa pangangatawan (hygiene).
6. Mag relax at hanggat maaari ay huwag ma stress at huwag mag isip ng mga problema.
7. Iwasan ang mga maruming hangin tulad ng nagmumula sa usok sa sasakyan at iba pa.
8. Kung pinagpapawisan ang mukha, hanggat maaari ay tissue ang gamitin. Itapon agad at wag ng gamitin pa ang nagamit na ng 1 beses. Pero pwede rin namang panyo ang gamitin, tulad ko.
9. Tamang exercise at diet. Pag sinabing ehersisyo, yung magpapawis ka talaga. Pag sinabing diet, kumain ng TAMA at SAPAT lamang na pagkain, hindi ibig sabihin non eh huwag kakain o kaya naman ay 1 o 2 beses lang kakain sa 1 araw.
10. Iwasan muna ang paggamit ng pulbos at make up para sa mga babae.
11. Siguraduhing wala kayong bangs^^ Yung dumi kasi ng buhok ay napupunta sa noo.
12 Gumamit ng effective pimple treatment.
Pwede nyo itong dagdagan sa pamamagitan ng paggamit ng facial cleansers, kung hiyang kayo, at pati moisturizer, sa umaga at sa gabi.
Tuesday, May 7, 2013
Effective Pimple Treatment
Isa ako sa mga taong hindi pinalagpas ng isang napakatinding sakit, para siyang cancer. Ang tawag sa kanya ay ACNE o PIMPLES.
Ang istorya
Nagsimula akong magkaroon ng pimples nung Grade 6 ako, 2 pimples ang unang lumabas sa may bandang ibaba ng mata ko, simula noon gumagamit na ko ng Ponds facial wash. Walang epekto. Lalo atang nagalit.
1st year higschool ako ng matauhan na ayaw ng mukha ko sa mga facial wash. Pati na rin sa mga sabon, kahit yung mga mild at organic. Isama na rin ang mga facial cleanser.
Nung 3rd year highschool ako, naaalala ko, ga-pigsa ang tumutubo sa mukha ko, saksi ko mga classmate ko. Pansin ko pabalik balik akong nagkakaroon ng pimples, pabalik balik din na nawawala.
Kunwari isang buwan meron, yung susunod na buwan wala. Ganoon ang cycle ng pimples ko. Pero dumating ang pagkakataon, 2nd year college ako, malapit ng gmraduate (associate graduate ako ng HRM), nagtagal ng 1 at kalahating taon, HINDI NAWAWALA ANG TAGHIYAWAT KO!
Kinabahan at natakot talaga ako noon. Unang una nasa field ako ng Hospitality Industry, sino naman ang tatanggap sakin? Buti na lang di pa ko nag-aaply noon, ng mapagpasyahan kong ituloy sa bachelor degree ang course ko :)
Ang pimples ay hindi isang maliit na usapin, lalo na sa mga teenager, at hindi ito pambabaeng usapin. Kahit lalaki nagkakaroon, buti na lang hindi naman severe ang pimples ko, papunta palang. Buti naagapan ko.
Welcome po!
Tawagin nyo na lang akong Kuya TOT (thought).
Isa akong ordinaryong teenager, sa June 2013 hindi na.
Hindi na ko teenager. Pero ordinaryo pa rin ako. Sa kasalukuyan ay nag-aaral ako bilang college student, kinukuha ang kursong HRM.
Pangarap ko magkaroon ng personal blog, isang blog na pwedeng makatulong, makaimpluwensya, at makapagpabago sa buhay ng iba kahit sa pinakamaliit na bagay sa pamamagitan ng aking ishashare na mga impormasyon o kung ano mang gusto kong ishare, pag trip ko magpost.
Gusto ko lang, bago maubos ang ilang taong buhay na ipinahiram sa akin ng dakilang lumikha ng lahat ng bagay, eh may maiiwan ako sa mundo, para naman kahit papaano nagkaroon ako ng "worth" sa mundo. naks ang drama. Pero yun talaga yon, pag namatay kasi ang isang tao kadalasan nakakalimutan na ang lahat ng bagay tungkol sa kaniya. Gusto ko, pag nawala nako, may maiambag man lang ako sa mundo kahit sa gatuldok na bagay.
Hindi ko alam ang kahihinatnan ng blog na to, marami na rin akong nagawang blog pero dinedelete ko rin dahil wala ring pinapatunguhan. Pero last na talaga to, at kahit walang magview nito okay lang, ill still keep on making posts. Hindi ko misyon ang maging no.1 blog sa Pilipinas o sa buong mundo, sapat na yung nakatulong ako sa 1 o 5 tao. Kahit di ko alam kung nakatulong nga.
Smile always :)
Subscribe to:
Posts (Atom)