Sunday, December 7, 2014

Commercial Cooking NCII


Kumuha ako ng Commercial Cooking NCII exam noong November 2012. Isa ito sa mga mahihirap na NCII exams.


Ano ang ineexam?

Ganun pa rin, may oral exam at hands on pero wala ng written exam.

Click mo itong link, tiyak makakatulong ito sayo :)

Doon sa oral exam nahirapan kami kasi yung ibang mga tinanong eh hindi naman samin naituro nung review at kahit pa noong nag aral kami sa subject na CULINARY ARTS. Buti na lang yung naitanong sakin madali lang, sa iba ang hirap :)

Ano ano niluto namin?

Chocolate Mousse
Buttered Snow Peas
Stir Fried Squid
Grilled Beef Tenderloin
White Cream Sauce
Mashed Potato
Grilled Cheese Sandwich
Mayonaise (from scratch)
Pineapple Carrot Cake
Cream Cheese (icing for the cake)
Chicken Lollipop
Onion Soup with croutons
Breaded Chicken Breast (fillet)

Nailuto naman namin ito nung review, medyo magastos lang talaga, kaya itong commerical cooking eh isa rin sa mga mahal. Naalala ko P500+ ata binayaran ko non. Yung sinuot namin yung Laboratory uniform. Complete uniform syempre.

Swerte namin mababait yung ASSESSOR namin.

Kaya huwag kang kabahan, kahit mahirap, review lang! :)


Food and Beverage Services NCII






Kumuha ako ng F & B NCII exam noong Nov 2011, required samin noon nung HRS pa ako :)

Masasabi kong eto ang sumunod na madali pagkatapos ng Housekeeping NCII sa apat na NCII exams (kasama na ang Bartending NCII, at Commercial Cooking NCII).

KUNG NAKAYA KO, KAYA MO RIN IPASA ITO! :)


Anong ine-exam?

As usual, merong oral exam, written exam at hands on..

May 1 day review naman kami. Kaya lahat ng lalabas sa exam andun sa reviewer naman. Pero syempre expect the unexpected, nakadepende yan sa magiging ASSESSOR nyo.

Ang written exam may time limit. Ang oral exam nakadipende sa ASSESOR (yung magpapaexam sa inyo na galing TESDA). At syempre yung hands on...

Naalala ko, nakalagay sa mesa yung ibat ibang klase ng plates, spoons at glasses tapos pag itinuro nung assessor dapat alam mo kung ano yun at kung ano gamit nun.

Tapos alam mo dapat yung ibat ibang table set up, yung paraan ng pagseserve, table napkin folding, at yung pagru-room service.

Sa ibang batch pinag-table skirting sila, tapos hindi ko na alam. haha

Click mo to, makakatulong ito sayo :) 

Bihira lang din hindi nakakapasa dito, pwera nalang kung talagang sobra sobrang di mo talaga alam ginagawa mo. Basta review lang kaya mo yan. 

Sa pagkakatanda ko P400+ yung binayaran ko sa school para sa exam, at yung sinuot namin sa exam ay F & B uniform.


Housekeeping NCII


Kumuha ako ng Housekeeping NCII noong May 2012, dahil HRS pa ako noon kaya required samin ito. 

Masasabi ko, na sa 4 na NCII exams na kailangan namin kunin (F & B Services NCII, Bartending NCII, at Commercial Cooking NCII) ito ang pinakamadali :)

Baka naman sabihin nyo ang yabang ko, hindi naman, lahat naman may kahirapan, pero kumbaga eto yung madali dali sa lahat kahit papaano...


Anong ineexam?

May oral exam, written exam at hands on.

Huwag kayo mag alala, bago naman ang exam meron dapat kayong review sa inyong teacher. Samin kasi ang nagreview samin ay instructor sa school din namin. 1 day yun. Tapos inanounce nalang samin ang araw ng exam. Sa written exam, na-review na naman kami kaya madali lang yun. Meron dala silang test booklet at don ka mismo magsasagot. May time limit. 

Click mo tong link, makakatulong ito sayo :)

Sa oral exam naman ireview review mo lang yung notes at mga tinuro, depende kasi yun sa ASSESSOR (Yung magpapa-exam sa inyo na galing TESDA) minsan sinusunod nila yung tanong din na nasa test booklet, minsan naman meron silang sariling tanong. Kaya sa mga NCII exam paswertihan talaga yan ng ASSESSOR, merong mabait, merong istrikto.

Sa hands on naman, nagbed making ako, nagplantsa, naglinis ng CR at gumamit ng floor polisher.

Sa ibang batch sa mga sumunod na year pinaglaba sila, meron pa ko nakita pinaglinis ng bintana gamit ang window squeezer at chemical. Kaya dipende rin talaga sa ASSESSOR kung ano ang ipapagawa.

BASTA HUWAG KANG KABAHAN. MAIPAPASA MO YAN!

Sa totoo lang bihira lang ang bumabagsak dito, kapag talagang walang alam, as in mali mali talaga yung mga ginagawa kala mo di nakapagreview. 

Ang tanong, may bayad ba ang exam?


Meron. Ang pagkakatanda ko P400+ ata yung binayaran ko non sa school namin.

Yung sinuot namin white polo shirt saka black slacks.

Saturday, December 6, 2014

NBI clearance


Kumuha ko ng nbi clearance nung November 2014 lang at natuwa ako dahil mas mabilis na ang proseso ngayon kesa dati. Halos 6:30am na ako pumila, natapos ako 11am. Kumpara naman dati sobrang haba na ng pila sobrang tagal pa. Sa Robinsons Metro East nga pala ko kumuha ng clearance, for renewal, for local employment.


Online Application

Simula January 2015 hindi na sila tatanggap ng walk in applicant, lahat dapat eh naka ONLINE APPLICATION na. Eto ang website click nyo na lang. Saka niyo ipapa-print. Kaya pag pupunta kayo don sa alinmang NBI clearance center dala na ninyo yung printed application.


NBI Clearance center

Mas maganda before 6am nandun na kayo at nakapila na kung gustong mauna. Pero kung tutuusin kahit nga 8am-10am pumila okay lang makakahabol ka pa rin. Pero syempre mas maganda na ang maaga. Pagkapila niyo bibigyan kayo ng number. 

Oo nga pala, mapa first time registration o renewal iisa lang ang pila niyo, same process.

Magdala ng 1 valid id bago kayo pumunta at saka pambayad sympre, P115.00 binayaran ko :)

Unang proseso pipila kayo for payment, tapos for picture and thumb marks at ang panghuli ay ang release. Ang malas ko marami ako kapangalan kaya natatakan ang resibo ko ng "HIT" kapag ganun babalikan mo pa yung clearance sa itinakdang araw ng pagkuha. 

Pagkukuhain mo na yung clearance papakita mo na lang yung resibo mo, kapag ibang tao naman ang kukuha ng clearance mo dapat meron kang authorization letter.